Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Nakita ko sa panaginip ko ang mga mukha ng mga lalaki kong kaibigan at lahat sila ay puro duguan.
Puno ng pawis ang noo ko ng magising ako. Agad kong tiningnan sina Mia at Gail na katabi ko sa pag tulog.
Mahimbing sila natutulog na dalawa habang magkayakap.
Plano kong bumaba para kumuha ng tubig na miinom ng mapansin kong wala sa higaan nila ang lahat ng kaibigan ko.
Agad akong bumaba para tingnan kung andoon ba sila.
" Fate? Ayos ka lang ba? Bat gising ka pa?" Tanong Red.
" Nakita mo ba sila Ziah?" Balik kong tanong.
" Hindi mo ba kasama sa kwarto? Wala naman kaming nakitang lumabas" Sagot niya.
" W-wala sila sa kwarto, pakihanap naman sila oh! Baka nasa labas lang" Sabi ko.
" Sige ipapahanap ko baka namamasyal lang sila sa labas." Sabi ni Red.
Tumango ako saka tumungo sa may ref para kumuha ng maiinom.
Hindi ko maitindihan bat ang lakas lakas ng kaba ko.
Tulala kong inilipag ang baso ko ng biglang tumama ito sa sahig at nabasag.
" Fate ayos ka lang ba? Wag mo ng hawakan ako na" Sabi ni Kyle ng makita niyang hahawakan ko sana ang basag na baso.
" K-Kyle.. kinakabahan ako. Paano kung may nangyaring masama sa kanila?" Tanong ko.
" Dios ko wag naman sana" Maluha luha kong sabi.
Agad kong ini on ang hawak hawak ko na cp para sana tawagan sila ng may message akong natanggap mula kila ziah.
Alas 12 ng gabi pa niya ito sinent. Agad ko itong binasa.
Bestfriend Fate
Susundan namin sina Travis. Kami lang sana ni Elyza ang susunod kaso nagising yung iba kaya wala na akong nagawa kundi pumayag na sumama sila. Wag kang mag alala magiging maayos kami.Mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba. Para akong maiiyak sa sobrang pag aalala.
Napaupo ako habang taimtim na nagdarasal.
" Kyle.. Sumunod sina Ziah kila Travis. Dios ko baka may mangyari sa kanila" Umiiyak kong sabi.
" Josh!! Pumunta ka sa Bar na pinuntahan nina Boss Travis. Magsama ka ng sampung members hanapin niyo sina Ziah" Sabi ni Kyle agad namang tumango si Josh.
Napatingin kaming pareho ni kyle sa cp ko ng bigla itong nag ring.
Hawak ko ang buhay ng mga kaibigan mo.
Nanginig ang mga kamay ko dahil sa nabasa ko.
Huminga ako ng malalim at Kinalma ko ang sarili para hindi mag panic.
Hindi na dapat ako basta basta maniniwala.
Hindi mo na ako maloloko!!
Reply ko.
Hahahaha do you think I'm
Pranking you?
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...