First Kiss

164 14 0
                                    

Fate POV

Napaka ganda ni Kaden ngayon sa suot niya ang sky Blue niyang Gown, bumubunot na siya ng unang dare na gagawin namin.
Ang unang dare ay maghanap ng taong hindi mo kilala at yakapin mo.
Nakaupo lang ako sa upuan ko, nakakahiya naman kasi yakapin ang hindi ko kakilala.
Busy kasi Felix, tinutulungan niya kasi ang mga nag oorganize ng party ni kaden.

Nakita ko naman si Travis nakatayo lang siya sa may kalayuan habang tiningnan si Tricia na nakikisabay sa dare.
Wala namang lumapit sa amin para yakapin kami.
Habang sina Gray nakikisabay sa mga bisita na gumagawa ng dare.

Pagkabasa ng pangalawang dare pumunta muna ako sa restroom nakasalubong ko si kath pero yumuko lang ako.
Ramdam ko na gusto niya akong yakapin kaso di pa akong handang kausapin sila.

Bumalik na agad ako sa loob ika apat na dare na ang binabasa ng emcee tumayo lang ako sa gilid habang nakikinig sa emcee lumapit naman sakin si Felix nagpaalam siya na kukuha raw muna siya ng wine namin.

Tiningnan ko lang siya habang naglalakad palayo.
Nang biglang namatay ang mga ilaw at may biglang lumapit sa akin.
Hinawakan niya ako sa beywang at naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko, napahawak nalang din ako sa balikat niya.
Pakiramdam ko limang segundong nag lapat ang mga labi namin,
Biglang lumakas ang kabog ng puso ko, napaka lambot ng labi niya pati ang pabango na naaamoy ko mula sa kanya ay parang tinatawag ako, hindi ko man maaninag ang mukha niya ay ayaw kong kumawala sa pagkakahalik .

Pagkatapos ng pag halik na iyon unti unti na siyang lumayo habang ako nakapikit pa rin.

" Fate are you fine? " tanong sakin ni Felix, alam kong siya yun kahit nakapikit pa ako.

Unti unti ko namang minulat ang mga mata ko.

" Ahm!! Yes I'm fine " sagot ko.

Si Felix nga! siya ang humalik sa akin.

" Sayang hindi na ako nakaabot sa ikaapat na dare pagkakataon ko na sana para mahalikan ka" sabi niya dahilan para mabigla ako.

" I-ibig mong sabihin ngayon ka lang dumating!?" Gulat kong tanong.

" Yes! Nag usap pa kasi kami ni daddy kaya ngayon lang ako nakabalik! Bakit?" Tanong niya.

Hindi naman ako makasagot at di ko mapigilang mapahawak sa labi ko! sino yun? Sino ang humalik sa akin? May nakita naman akong panyo na kulay blue pinulot ko yun, malakas ang loob ko na sa lalaking humalik sa akin ang may ari ng panyo.

" Fate are you sure your fine? May humalik ba sayo kanina??" Nag aalalang tanong ni Felix.

" H-huh?? Naku wala, may iniisip lang ako tara balik na tayo sa table" aya ko sa kanya, ayaw Kong magsinungaling kaso hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ni Felix pag nalaman niyang may humalik sa akin.

Habang papunta ako sa upuan may nakita akong lalaking nakatingin sakin, habang kagat kagat ang labi niya.

Huhuhu Lord wag naman po sanang siya ang humalik sakin.

Pagkaupo namin nakaupo na rin sina Tricia at Travis pati na rin sina Mia at Zayne.

" Ate Fate nag kiss ba kayo ni kuya Felix kanina?? " nakangiting tanong ni Mia.

" Wala nga Mia eh! Sayang" sagot ni Felix sabay pout ngumiti na lang din ako.

" Eh kayo kuya Travis at Ate Tricia?? " tanong ni Zayne.

Tahimik lang si Travis at hindi siya sumagot. Nagngitian lang din sina Mia at Tricia, close din pala silang dalawa.

" Tama ng tanong kumain na kayo! " sagot ni Tricia.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon