You will always be remember

71 5 0
                                    

Dahan dahan silang napahiga habang pareho silang lumuluwa ng dugo.

Iniligtas kami ni Felix at sinubukan naman siyang iligtas ni Samantha.

Sabay kaming napatakbo ni Travis papunta sa kanila, sumunod din ang iba pa naming kaibigan.

" S-sam!!" Nauutal kong sabi habang hawak hawak ang kamay niya.

" Where's the ambulance? We need to bring them to the hospital!!" Rinig kong sabi ni Travis.

Agad kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ni Samantha.

Umiiyak siya habang ngumingiting nakatingin sa akin.

" Sam lumaban ka malapit na ang ambulance" nagsimula na rin akong umiyak.

" P-patawarin mo ako sa lahat lahat Fate! Patawarin mo ako at naging masama ako sayo."

" Ssshhh.. Wala na yun! Ayus na ang lahat, lumaban ka please." Sabi ko habang ipinapatong ang ulo niya sa mga paa ko.

" Minahal kita Fate! Tinurin kita na kaibigan. Pero naging makasarili ako nung minahal ko si Felix at pati ikaw nasaktan ko" Lumuluwa siya ng dugo habang sinasabi yun.

Walang tigil din ang pagtulo ng mga luha ko habang nakikinig sa kanya.

Nginitian niya ako saka unti unting hinawakan ang pisngi ko.

" F-fate patawad! Patawarin mo ako kaibigan ko. Patawarin mo ako sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo" Napangiwi siya sa sakit pagkatapos sabihin iyon.

" Mapapatawad mo ba ako?" Tanong niya ulit nakikita kong nanghihina na siya at unti unting pinipikit ang mga mata niya.

Ngumiti ako saka pinunasan ang mga luha niya.

" Pinapatawad na kita sammy"

Ngumiti siya sa akin habang unti unti pumipikit ang mga mata niya.

" P-paalam Fate" Huli niyang sinabi bago siya tuluyang pumikit.

" S-sam!!" Umiiyak kong sabi.

Dumating ang ambulansiya at unang isinakay si Samantha.

Sa sumunod na ambulansiya naman isinakay si Felix.

" Fate, Travis, gusto kayong makausap ni kuya" Umiiyak na sabi ni kaden.

Sabay kaming tumakbo ni Travis at sumakay sa ambulansiya kasama si Kaden.

Malungkot na ngumiti sa akin si Felix.

" Kuya please keep fighting! Please don't leave me" Umiiyak na sabi ni Kaden.

" Malalampasan mo to Lix, you are strong!!" Sabi ni Travis.

" Felix B-bakit mo kami iniligtas?" Maluha luha kong tanong.

Hindi naman siya ang gusto barilin ni Bruce kundi kami.

" D-dahil mahal ko kayong pareho. Dahil gusto kong sumaya kayong dalawa" Ngumiti siya ng kaonti habang tinitingnan kami ni Travis.

" F-fate!! Patawarin mo ako sa pananakit ko sa iyo" Sabi niya.

Agad kong hinawakan ang kamay niya.

" Felix matagal na kitang pinatawad " Sagot ko.

Rinig ko ang mumunti niyang mga hikbi dahil sa naging sagot ko.

" M-masaya akong marinig yun" Sabi niya.

Dahan dahan niyang binitiwan ang kamay ko at saka niya hinawakan ang kamay ni Travis.

" Hey bro Pasensiya kana sa akin ha! P-pasensiya kana at nagkaroon ka ng kaibigan na katulad ko"

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon