Bringing Back the Pain

192 14 1
                                    

Isang oras na rin kaming naka tambay ni Andrew sa peace garden halos lahat ng topic siguro napag usapan na namin nakakatawa lang kasi ang plano eh tutulungan niya akong mag compose pero heto kaming dalawa daldalan ng daldalan.

Tahimik na tao si Andrew,.pero nagiging madaldal maman siya pag kami na ang kasama niya. Isang introvert na nahawaan nina Gray at Mark sa kaingayan nila.

"Andrew gutom na ako " pagrereklamo ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Bili nalang tayo ng meryenda, what do you want to eat?" Tanong niya sakin

"Mang juan " excited kong sabi.

"Not that Fea , yung masustansiya naman prutas nalang?" Sagot niya sakin. Masyadong concern sa health tung si Andrew eh.

"Aish!! Ayan na naman siya " sabi ko sabay pout. Lagi kasi niya akong pinagbabawalan na kumain ng Junk foods.

"Fea di ka nakapag almusal tapos kakain ka ng junkfoods " paliwanag niya.

"Ok fine prutas nalang " sagot ko sa kanya.

"Good!! Bibili muna ako hintayin mo lang ako dito " sabi niya.

Dahil medyo malayo layo din yung canteen sa peace Garden tinuloy ko nalang ang pag compose ng kanta habang hinihintay si Andrew .

Paki play po yung music sa itaas thanks😊💜

"Fate ! Can i talk to you? " sabi ng taong nasa likuran ko na familiar sakin ang boses.

"Bakit?? "Tanong ko sabay lingon , laking gulat ko ng makita ko si Felix .

"Marami kasi akong gustong sabihin sayo " seryoso niyang sabi sakin na may kasamang kaonting ngiti.

"Ahh!! Ganun ba , sabihin mo na" walang emosyon kung sagot.

"How are you? matagal din tayong di nagkita its been a year " tanong niya sakin habang umuupo sa tabi ko.

"Ok lang ako ! Masaya ako ngayon kasama ang mga bago kong kaibigan" walang emosyon kong sagot ko sa kanya.

" Fate I'm sorry !" Sabi ni Felix sabay hawak sa kamay ko, ng marinig ko ang mga salitang yun ay di ko mapigilan ang mga patak ng luha ko .

"Sorry i need to go " sabi ko sabay tayo sa kinauupan ko at punas sa mga mata ko. Nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko na agad naman akong kumawala.

"Fate pinag sisihan ko na yun ! Lahat ng nagawa ko noon please forgive me " maiyak iyak na sabi ni Felix.

"Pinagsisihan? Patawarin ?? Felix naririnig mo ba ang sarili mo ?
Niloko mo ako! Pinagsabay mo kami ng kaibigan kong si Samantha tapos ganun ganun nalang yun? Hanggang ngayon dala ko pa rin ang sakit ! hanggang ngayon takot pa rin akong magmahal dahil baka lokohin lang ako tulad ng ginawa mo "

Pagkatapos ng mga salitang sinabi ko ay di ko na pigilang humagulhol sa kinatatayuan ko .

Sa mga oras na yun bumalik ang lahat ng sakit na ginawa sakin ni Felix .

Nung mga panahong kami pa ,
nung mga panahong siya lang ang mundo ko! first love ko siya wala akong ibang lalaking minahal at naging boyfriend kundi siya lang .

Pero ang pinaka masakit na katotohanan ay pinagsabay niya pala kami ng kaibigan ko.
Pinagtripan , pinaglaruan . Sobrang nasaktan ako ng nakipag hiwalay siya sa akin at mas pinili niya si Samantha halos gumuho ang mundo ko dahil dun halos bumagsak din ang mga grado ko buti nalang sa panahong yun dinamayan ako nina kath at Ziah.

Akala ko ok na ako! Akala ko wala na yung sakit pero mali pala ako. Ang hirap kalimutan kung yun yung unang beses mo yung naranasan.

"Fate i still love you ! Kaya ko pinilit sina daddy na bumalik kami rito ay dahil sayo" sabi ulit ni Felix.

"Tsss... kalokohan! Wag mo na akong lokohin ulit dahil di mo na ako maloloko pa. Sobrang tanga ko na kung ipagkakatiwala ko ulit ang puso ko sa taong minsan ng dumurog nito " sigaw kong sabi.

" Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? " malungkot siyang nakatingin sa akin habang tinatanong iyon.

Natahimik ako sa tanong niya. Tiningnan ko lang siya habang hindi tumitigil sa pag agos ang mga luha ko.

" Masakit pa rin " Humihikbi kong sabi.

" Hindi ko intensyon na saktan ka" sagot niya.

" Hindi mo intensyon?? Eh bakit mo ako sinakatan? " balik kong tanong.

"Thats the biggest mistakes that i've done, hurting the girl that i love! " Sagot niya.

" Pagkakamali na hindi mo sinubukang itama" sabi ko.

" Dahil hindi mo ako binigyan ng pagkakataon " sabi niya habang papalapit sa akin.

" Dahil hindi mo sinubukan noon! Umalis ka at hindi mo man lang sinubukan ipaliwanag sa akin ang lahat." Sabi ko sabay punas sa mga luha ko.

" Felix minahal mo ba talaga ako?? " umiiyak ko na namang tanong.

" Oo Fate! Sobra" sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

" Pero bakit mo ako sinaktan? Bakit mo ako niloko? Bakit niyo ako niloko ni samantha? Naging masama ba ako sa inyo? " Sunod sunod kong tanong habang umiiyak.

" Sagutin mo ako?? " sigaw ko. Habang nanginginig ang aking mga kamay.

" Hindi! Napakabuti mo Fate " umiiyak niyang sabi.

" Kung ganun bakit?? Dahil kinakahiya mong mag ka girlfriend ng hindi palaayos? Na kakaiba sa lahat? Na hindi sikat?? Na isang relihiyosang Loner??" Tanong ko.

" Fate Hindi! Napaka duwag ko lang nun para hindi ka ipaglaban."

" Ang sakiit Felix eh! Ang sakit sakit, iniwan mong durog durog yung puso ko! Iniwan mo akong wasak. Nung mga oras na yun hindi ko ata kakayanin na maulit pa. " sabi ko saka ako humagulhol.

" Fate Mahal kita! Sana paniwalaan mo yun. Please patawarin mo na ako." Sabi niya.

" Sana nga Felix eh! Ganun lang kadali, sana kayang iwala nag salitang mahal mo ako ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Fate im---"

"Wag mo akong hahawakan " napatigil siya sa pagsasalita ng sinigawan ko siya dahil sa paghawak niya sa akin.

Lumakad siya pa atras kitang kita ko rin ang pag iyak niya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

" I'm sorry! I know na wala na akong karapatan pa. Mali sigurong bumalik pa ako. Mali sigurong nagkita pa tayo at ginulo ko ulit ang buhay mo." Maiyak iyak niyang sabi.

" Hindi pa ako handang kausapin ka! " sabi ko.

" Just leave me alone " mahinahon kung sabi kay Felix.

Tumango lang si Felix sabay sabing " Patawad kung napakalalim ng sugat sa puso mo dahil sa akin! Wala akong karapatan pilitin ka. Nasaktan kita eh! Kaya may karapatan kang saktan ako." Sabi niya.

"Fate I'm really sorry ,, I'm so sorry " huli niyang sinabi bago siya umalis .

Naiwan akong Humihikbi pa rin nakita ko si Andrew na kanina pa pala nakatingin sa amin .

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon