Travis POV
Nasa harap ako ng bahay nila Fea ngayon, hinihintay ko si Kurt Ryan ngayon kasi siya dumating mula sa canada.
" Psssttt.. Long time no see Travis Lawrence" Rinig kung sabi niya sabay bukas ng gate.
" Parang wala namang nagbago sayo." Dagdag niya.
" Maliban sa mas gumwapo ako, wala na!" Nakangisi kong sagot.
" Ano? dito ka na ulit titira?" Tanong ko.
" Oo eh! Kawawa naman kasi yung mga chikababes dito na sobrang namimis ako." Mahangin niyang sagot.
" Ayos lang naman sa kanila! Andito naman kasi ako." Sagot ko.
" Wala talagang nagbago mahangin ka parin."
" Tayong dalawa!!" Pagtatama ko sa kanya.
Napailing nalang siya habang tumatawa.
" Kamusta ang Burning Blue Fire?" Tanong niya.
" Maayos naman liban nalang sa panggugulo ng Blackstalion"
Bumuntong hininga siya habang nakapamulsang sumandal sa pader ng gate nila.
" Yung totoo Trav naaawa ako kay Jeron. Hanggang ngayon hindi niya matanggap ang pagkawala ng Kaibigan niya.... Si Lewisa."
Napakagat labi nalang ako dahil pareho ng nararamdaman niya ay naaawa din ako kay Jeron kung pwede lang sana na sabihin ko sa kanya na buhay si Fea. kaso ayaw ko na rin na magulo ang buhay ni Fea ngayon, wala namang magbabago hindi na naman niya kami naaalala. Masasaktan lang din si Jeron tulad ng nararamdaman ko.... Araw araw.
"Alam nating marami pang gustong kumalaban sa Burning Blue Fire kaya napakapanganib nun para sa atin at sa mga nakapaligid sa atin." Napatingin ako kay Ryan dahil sa sinabi niya.
" Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili sa nangyari kay Lewisa" Lumapit ako sa kanya saka ko siya tinapik sa balikat.
" Kurt mga bata pa tayo nun!" Sabi ko.
" Pero hindi na ngayon kaya hanggant kaya ko ilalayo ko si Lewisa sa gulo ng Blue fire at gulo ko." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...