Hindi na ako pumasok ngayon. Gusto kasi ni mommy na mag pa salon ako. Para hindi ako mabagot pinasama ko sina Sochan at dongsaeng sa akin. Inaya ko rin sina Bestfriend kath kaso pumasok daw sila ngayon.
Pinakulayan ni Angel ang buhok niya at nag pa bangs naman si Alisha sana nga di nila pagsisihan. Si Elyza sochan naman nagpa manicure at pedicure. Si mommy na ang nagsabi ng mga gagawin sa akin tahimik lang akong umupo. Pinaayos ni mommy yung buhok ko. Habang may nag ma manicure at pe pedicure sa akin.
Around 11 o'clock na ng matapos kami sinundo kami ni dad para mag prepare papuntang Boracay dun kasi gaganapin ang Birthday Party ko. May Beach na pag-aari ang parents ko sa boracay. Gusto ni daddy na bago buksan ito sa madla kami ang unang gumamit.
Bit bit na ng mga pinsan ko ang mga maliliit na maleta nila.
" Lets go! I'm so excited!!" Sabi ni Alisha.
" Yah! Shang behave ok" paalala ni sochan sa bunso niyang kapatid.
"Waeyo? I'm always behave unnie" sagot ni alisha at nauna ng pumasok sa malaking van.
Pinauna na kami ni Dad dahil hihintayin niya pa si Mommy. Saka si Kuya Ryan na hindi ko alam kung nasaan.
Hindi ko namalayan ang oras sa pagbyahe dahil puro tawanan kami sa sa van at nag uusap ng kahit ano.
Alas kwatro na nung nakarating kami sa resort. Mula sa disenyo at pananamit ng mga employees ay kitang kita hinango ni daddy sa indonesian culture ang resort. Nakita ko rin na masaya ang pinsan kong may dugo ding indonesian, hindi sila masyadong familliar sa indonesian culture dahil simula bata ay sa korea na sila nakatira kung saan din lumaki ang mommy nilang Half Korean Filipino.
Magalang at masaya kaming sinalubong ng mga nasa front desk.
" Hello Ms. Lewisa"
Yumuko din ako para mag bigay galang sa kanila.
Dinala kami ng Manager sa main building nila na may apat na palapag.
"Ms. Lewisa sa 4rth floor po ang tutuluyan niyo." Sabi ng manager sa senyas ng mga crew na nagdadala ng mga gamit namin na mauna na sila sa taas.
" Sige po, kami nalang ang pupunta dun salamat " nakangiti kong sabi.
Napaka lapad ng loob ng kwartong tinutuluyan namin may anim na higaan ito at may malapad ding terrace na tanaw mo ang bawat sulok ng resort.
Agad kaming humiga sa kanya kanya naming higaan.
Kanina pa ako naghihintay ng text ng mga kaibigan ko,kahapon pa kasi sila hindi nagpaparamdam. Medyo nalungkot nga ako kasi parang nawala sa isip nila na Birthday ko bukas. Si kuya Ryan di rin mahagilap nila mommy kung saan pumunta.
" Fate unnie kain na tayo!" Tawag ni Angel sa akin. Ginising niya din ang ate Elyza niyang natutulog.
Nasa hapag kainan na kami, ang daming mga ibat ibang putahe ang nakahanda.
" Enjoy po kayo Ms. Lewisa" nakangiting sabi ng manager.
May mga kasamahan pa siyang employee na nakatayo sa gilid.
" Lets eat!" Masayang sabi ni Alisha.
" Lets pray first " Nakangiti kong sabi
" Oh ow! Ok unnie" sagot niya.
Pagkatapos naming magdasal nasa gilid pa rin yung manager at mga kasama niya kaya inalok ko silang kumain. Umayaw pa sila nung una pero kinulit ko sila ng kinulit hanggang napapayag ko na din.
" Kain lang po kayo Ate Sophia wag kayong mahiya sa amin" sabi ko sa manager.
" Nakakailang po talaga to Ms. Lewisa pero salamat" sagot niya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...