Gray POV
Nasa bahay kami nina Fate ngayon! Ilang araw na rin kasi siyang nilalagnat. Kasama ko sina Mark and andrew na dumalaw, wala naman kasi si Felix dito sa bansa nasa America ulit siya para sa chemotherapy niya. Si Travis naman ayaw sumama! Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nung bumalik sila mula baguio simula nun di na masyadong sumasama samin si Travis lalo na pag kasama namin si Fate. Ewan ko ba sa dalawang to! Kung mag away ay parang sobra pa sa mag syota.
Sembreak na rin namin ngayon kaya pwede ng gabihin kahit saan, ganun pa rin naman kami kahit may pasok pa! Kung di lang kami tinatakot ng mga parents namin na kunin ang credit card at mga luho namin wala sigurong papasok sa amin. Pero ayos lang naman medyo matalino naman kasi kami kaya lagi ding nakakapasa. Saka Nakakaawa naman yung mga babaeng pumapasok para makita lang ako. Haysss hirap maging gwapo! Pasensiya na Pogi lang .
Hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam ni Fate kaya hinayaan na muna namin siyang magpahinga sa kwarto niya. Tumambay nalang din kami sa sala nila, kasama ang mga kaibigan ko. May importante rin daw kasi kaming pag uusapan ngayon.
"bat ba ayaw tumigil ng Jeron na yan na guluhin tayo! " Sabi ni Andrew.
" Hindi ba siya napapagod na lagi naman silang natatalo? " natatawa namang sabi ni Mark.
" Hindi sila ang pinoproblema ni Travis ngayon " Seryosong sabi ni Ryan.
" Kung hindi sila sino? " tanong ko.
" Ang Serpent!! " Sagot ni Ryan.
" Ano na naman ba yang serpent na yan? Bagong Gang na naman ba yan? " Seryoso kong tanong. Pagtango lang ang sagot ni Ryan.
" Kung bago lang ang serpent na yan wala tayong dapat ipag aalala! Madali lang natin silang maipapabagsak." Sabi naman ni Mark.
" Meron Mark! Dalawang malalakas na gang na ang kanilang na pa tumba! At malaki ang tyansang tayo ang kanilang isusunod! " sabi ni Ryan.
" Sino ba ang leader ng gang na yan? At sino ang bumubuo diyan?" Tanong ni Andrew.
" Yun na nga ang problema natin! Walang nakakakilala sa kanila kaya mahihirapan tayong kalabanin sila, dahil di natin alam kung sino ang kalaban natin" sabi ulit ni Ryan.
" kung ganun Kailangan nating maghanda para sa malaking laban! " sabi ni Mark.
" Mahirap to para sa atin lalo na at kilala nila ang mga malalapit sa atin! Hindi dapat sila madamay! " Seryosong sabi ni Ryan.
" Andito lang pala kayo! " sabi ni Fate palapit sa amin. Dahilan para mula sa seryosong mukha ay napunta ulit sa palangiti ang awra naming apat.
" Magpapasama si Elyza Sochan sa akin sa Mall sama kayo? Bonding nalang din natin please... " pangungulit ni Fate.
" Di ako pwede ngayon engot! May pupuntahan kami ni Kyesha." Sagot ni Ryan.
" Tss.. Ngayon nga lang ako naglambing eh! " sabi ni Fate Sabay pout.
" Akala ko ba may sakit ka??" Tanong ni Andrew.
" Ayaw kong nakahiga lang mas lalo lang akong manghihina" sagot ni Fate.
" Ako game ako! " Nakangiting sabi ni Mark.
" Ako rin! Free ako ngayon " Sabi naman ni Andrew.
" Eh ikaw ba Bestfriend Gray sama ka? " tanong ni Fate.
" 15 ngayon bestfriend dadalawin ko si Nicole " seryoso kong sabi.
Nang marinig nila ang sinabi ko, napalitan ng seryosong awra ang mukha nilang lahat.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...