His golden heart

111 8 0
                                    

Kanina pa ako tahimik habang pinagmamasdan si Travis na nakikipag kwentuhan sa kanila Dave at Jay.

Mahilig din kasi pala si Jay sa music. May banda raw siya at tumutugtog sila sa isang maliit na bar. Si Dave naman mahilig mag basketball, ayun yung mga similarities nila ni Travis kaya sila nagkakasundo ngayon.

Parang kanina lang takot na takot sila kay Travis ngayon parang nalimutan na nila na leader ng Blue Fire ang kaharap nila.

Kanina pa ako out of place sa kanila pero ayos lang naman. Masaya akong nakikita si Travis na napapalapit sa mga taong malapit din sa akin.

"Fate sagutin mo na si Boss Travis" Napatigil ako sa pagnguya ng kinakain ko ng sabihin ito ni Jay.

" Ayos lang Jay, hindi naman ako nagmamadali. Saka alam kong sa akin pa rin siya babagsak" Nakangiting sabi ni Travis habang nakatingin sa akin at habang itinitaas baba ang kilay niya.

" Naman boss bagay Kayong dalawa" Sabi ni Dave habang punong puno pa rin ng pagkain ang bibig niya.

"A Badboy who fallen in love with a good girl"Sabi ni Jay.

" Parang Devil and Angel ganun!" Sabat ni Dave.

Napatigil sila sa pagtawa ng biglang napalakas ang pag bitaw ni Travis sa tinidor niya. Seryoso ang mukha niya habang kagat kagat ang ibabang labi niya.

Nagkatinginan kami nila Jay, sigurado akong pareho ang iniisip namin.

Galit ba sa Travis dahil sa sinabi ni Dave?.

Nakatingin silang dalawa sa akin na parang humihingi ng tulong.

" B-Boss h-hindi k-" Napatigil si Dave sa pagsasalita ng sumenyas si Travis.

Agad ko naman siyang hinawakan sa balikat.

" Ikaw kasi!" Bulong na sabi ni Jay at siko kay Jay.

" Hmmm.. I like it! A Devil Fallen in love with an Angel" Nakangiting sabi ni Travis.

Sabay na nakahinga ng maayos sina Dave at Jay. Pati na rin pala ako, saka ko na realize na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga ko dahil sa kaba.

" Maganda diba?" Tanong ni Travis.

" Ahh.. Oo hehehe" Sagot ni Jay.

" Ako nakaisip nun boss." Sabi naman ni Dave. Sabay punas sa noo niyang namamawis kanina dahil sa kaba.

" Thanks Dave" Sabi ni Travis.

Napatingin ako sa kanya, Thanks? Nag thank you sa ng ganun nalang?. Akala ko wala rin yun sa vocabulary niya.

" Hey Bestfriend!! Your handsome Bestfriend is here! Miss me?" Napalingon kami sa nagsalita.

" Sino ka naman para mamiss namin?" Sabi ni Travis.

Kita mo na, kanina ang bait bait ngayon ang sungit sungit.

" I'm talking to Fate not on you Travis Lawrence" Sagot nito kay Travis.

" I miss you Bestfriend Andrew" Nakangiti kong sabi.

" Tsss.." Rinig kong sabi ni Travis.

" I miss you too Bestfriend" Sagot ni Andrew habang aakmaing yayakapin ako.

" Stop!" Sabi ni Travis sabay bitaw ng hawak niyang kutsara at Tinidor.

" What!?" Naguguluhan na tanong ni Andrew.

" You don't need to hug her! Sapat na yung sinabi niyang namiss ka niya." Sabi ni Travis.

" Hmm.. Someone is Jealous huh!" Nakangising sabi ni Andrew.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon