Groupings

226 14 0
                                    

Pagkagising ko alas 6 na pala kaya heto nag mamadali na naman ako di na naman ako makakapag almusal.
Pagkatapos kong maligo agad na akong bumaba

Kinakabahan din ako na baka magalit na naman sakin si Travis dahil malilate na naman kami.

Pagkababa ko tinawag ako ni Nanay Tising para ibigay yung baon ko .
Nakita ko si Mia na nakatayong tumitingin sa litrato namin sa pader at si Travis na nakaupo na nakangiting tumitingin sakin.

"Alis na ba tayo ?? " tanong niya sakin sabay ngiti. Medyo nakakapagpanibago lang kung pano siya makipag usap sa akin.

"Ah eh oo pasensiya na at natagalan ako" sagot ko sa kanya habang nakangiti rin.

"Tita Faye, alis na po kami" pagpapaalam ni Travis kay Mommy.

"Babye tita Faye " sigaw na sabi rin ni Mia.

" Bye ma" pakaway kong sabi kay mommy na nasa kusina.

"Oh sya, mag-ingat kayo ha " sagot ni mommy samin.

Di ako makapaniwala na ang Travis na lagi kong kapikonan at kasamang nagtatalo ay normal na tao din pala kala ko na kasi robot sa sobrang seryoso ,
Habang nasa sasakyan kami eh kwento lang ng kwento si Mia samin ni Travis tungkol sa kdramang pinpanood niya .

" Alam mo kuya pag pumunta talaga sina mom at dad sa korea sasama ako, gusto kong makita lahat ng Cast ng Hwarang " sabi ni Mia.

" Mas gwapo naman ako dun! " Sabi ni Travis.

" Alam mo kuya ang yabang mo talaga! kaya ayaw kong sumasama sa inyo nina kuya Gray eh, " Sabi ni Mia. Natawa lang si Travis dahil sa sinabi ng kapatid niya at ginulo ang buhok nito.

Di man maka relate si Travis nakikinig pa rin siya saka sinsabayan niya si Mia sa mga kwento nito. Yung tipo bang dahil kuya siya Kailangan niyang sabayan kahit anong trip ng kapatid niya ito pala yung matagal na sinasabi ni Mia na good side ni Travis .

Kaya pala ang dami niyang kaibigan sa school kaya walang kaduda duda kung bat nanalo siya bilang SSG president .

Pagdating namin sa school agad akong bumaba para mauna ng pumunta sa room .

"Alfea sandali!!" Sigaw ni Travis alam kong siya yun kahit nakatalikod na ako base sa boses niya

Napatigil ako ng marinig kong tinawag ako ni Travis na Alfea
bago sa pandinig kong tinatawag akong Alfea madalas kasi eh Fate kundi naman Lewisa.

"kanina pa kita tinawag bat di ka lumilingon??" Tanong niya sakin.

"Ah.. kasi di ako sanay na tawaging Alfea " sagot ko.

"Ganun ba ! Alfea nalang pala itatawag ko sayo" nakangiti niyang sabi.

" Bakit mo pala ako tinatawag?" Tanong ko.

" Sabay nalang tayong pumasok" sagot niya.

Pagdating namin sa room nakikita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga kaklse namin.
May narinig akong mga nagsasabing nagkabati na kaya sila ?

May mga babaeng halos mailipad na ang mga kilay nila dahil sa sobrang taas sa pag kagulat kung bat kami magkasabay ni Travis.
Lalo akong natawa ng makita ko ang pagkagulat ng dalawa kong kaibigan, sinabi ko sa kanila lahat kaya natigil na rin sila sa pangungulit.

May gagawin raw kaming activity sa filipino kaya pina grupo kami ni ma'am

"Alfea " tawag sakin ni Travis.

"Bakit?" Tanong ko.

"May grupo na ba kayo ? Pwede bang sa inyo nalang kami nina Andrew " sabi niya.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon