Giving Up

148 12 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang nangyayari naninigas lang ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan sila.

" Wala ka bang planong magpakatapang?? " tanong ni Travis kay Felix.

" Hindi yun ganun kadali Travis!! Kung ikaw nasa posisyon ko kaya mo ba?? Huh??" Sigaw na sabi ni Felix habang tumatayo.

" Oo, " Pabalik na sigaw ni Travis.

" Kaya ko Felix, kaya ko! Alam mo yun!! " sabi ni Travis.

" Talaga matapang ka Trav?? Bakit sa pag daan ng panahon di mo pa rin masabi kung sino ka talaga! Kung ano ka niya!! " Sabi ni Felix sabay tulak kay Travis.

" Dahil may rason ako Felix!! " sagot ni Travis.

" Bakit ako Trav!? Wala?! " Sabi ni Felix sa mataas na boses.

" Dahil mali ka! Dahil duwag ka! Lagi ka lang nakaasa sa magulang mo!! " sabi ni Travis.

" Hindi ako duwag! " Sigaw ni Felix habang tinutulak si Travis.

Hindi ko alam kung ano ang pinag aawayan nila. Isa lang ang alam ko nakakasakit na ang sinasabi ni Travis kay Felix.

" Ikaw ang duwag Trav! Iniisip mong matapang ka pero duwag ka, sa tagal ng panahon hindi mo nga kayang sabihin yung nararamdaman mo! " sabi ni Felix.

" Hindi mo kaya diba! Dahil takot ka!! Takot ka na baka dumating yung oras na yung pinanghahawakan mo balewala lang pala! Ganun ka kahina Trav, mahina ka! " sigaw ni Felix.

" Nandito na pala lahat ng kaibigan natin! Gusto mo ako nalang mag sabi huh Trav! Nandito na din ang Girlfriend ko! Tamang tama para magkaalaman na" sabi ni Felix.

" Para magising ka na Trav!! " Diin na sabi ni Felix.

" Sino nakakakilala kay Isa dito?? Pangalan lang ang alam niyo kaya ike kwento ko sa inyo ang lahat " Sabi ni Felix.

" Felix tama na!! " Paghinto ni Andrew kay Felix.

" Bakiit Drew alam mo na din huh?? " Tanong ni Andrew.

" Hindi kaya ni Travis na sabihin kaya ako nalang! Si Isa na kinababaliwan ni Travis ay-- "

Napasigaw nalang ako ng biglang sinuntok ni Travis si Felix.
Gumanti din si Felix ng suntok dahilan para mas nanggigil si Travis na suntukin siya.

Sinuntok niya si Felix ng sunod sunod hanggang sa inawat na sila ni Gray at Mark.

" Sana hindi ka nalang bumalik! Wag mong idadamay si Isa!! " Sigaw ni Travis.

Kita ko ang duguang mukha ni Felix, hindi ko alam kung dapat ba akong pumagitna at pigilan sila o manatili nalang sa kinatatayuan ko.

" Bakit Travis naduduwag ka?. Akala ko ba hindi ka duwag!? hindi ka mahina!? " Sabi ni Felix.

" Tumigil ka na kasi Kuya" pagsali ni kaden sa kanila.

" Sige kampihan mo ang Travis na yan kesa sa akin na kuya mo!!" Sagot ni Felix kay Kaden.

Napaupo si Felix at saka ulit umiyak, hindi ko na napigilan ang sarili ko at unti-unti na akong lumapit sa kanya.

" Sige pag tulungan niyo ako wala naman kasing nakakaintindi sa akin eh" sabi ni Felix.

" Felix.. " salitang nasabi ko sa mapaos paos kong boses. Habang pinupunasan ang luha niya.

" Mali mo din naman kasi " sabi ni Mark.

" Pano ka namin kakampihan kung mali ka" sabi ni Andrew.

" Pano kami maniniwala kung sinungaling ka " sabi din ni Gray.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon