" Buong buhay ko hindi ko inakalang magagawa mo to sa amin!! Bakit mo tinraydor ang mga kaibigan mo Felix? Bakit?"
Ningisihan niya lang ako saka naglakas papalapit kay Samantha.
" Buti naman at na untog ka na Felix Anthony " Sabi ni Bruce.
" Buti nalang talaga " Natatawang sabi ni Felix.
" Ibig sabihin ba nito bumabalik na sa akin?" Nakangiting sabi ni Samantha.
" Why not!?" Sagot ni Felix.
Nakaramdam ako ng pagkadismaya at galit kay Felix, paano niya na aatim na gawin sa amin to.
Lumapit si Bruce sa akin habang inaangat ang mukha ko para matingnan sina Felix at Samantha.
Mabilis na hinalikan ni Samantha si Felix sa Labi at saka ito ngumiti ng napakalaki.
" Look ganyan din sana tayo!!" Sabi niya sa akin habang umiiling.
" Bruce b-bakit?" Nauutal kong tanong.
" H-hindi naman ganito yung Bruce na nakilala ko sa mahigit na isang taon nating pagsasama" Maluha luha kong sabi.
" Don't you get it Fate!? All of that is scripted. Yung Bruce na maka Dios at nerdy lahat ng yun ang palabas para mapalapit ako sayo" Sabi niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko saka ko ulit siya tiningnan.
" Bakit?" Tanong ko ulit.
" Para masiguradong sa kapatid ko na si Felix at pag nagkataon na naging tayo makokontrol na kita pati ang kuya mo and mas mabilis na akong makakakuha ng info sa inyo about Blue Fire." Nakangisi niyang sabi.
" Masaya ka na ba?" Nakatitig kong sabi sa kanya.
" Ofcourse not!! Dahil lahat ng yun nasira dahil sa lecheng Travis Lawrence na yan!!" Sigaw niya sabay turo kay Travis.
" Ibaba niyo nga yang tatlong natitira na yan. Nang mapahirapan muna bago patayin" Sabi niya habang nakangising nakatingin sa akin.
Agad nilang ibinaba sina Travis, kuya at Gray mula sa pagkakasabit sa tali na iyon.
Hila hila sila ng ibang members ng Serpent makikitang sobrang nabugbug sila kuya dahil halos lantang gulay silang hinihila Sila.
Agad akong napatakbo pa papunta sa kanila pero agad akong hinila ng serpent paplayo sa kanila, nagkahawak man ang kamay namin ni Travis pero agad naman itong pinilit bumitaw.
Pilit niya pa ring inaabot ang kamay ko pero wala akong laban sa apat na lalaking humila sa akin papalayo.
Ang malungkot na mukha ni Travis kanina na tumitingin sa akin ay napalitan ng galit na mukha ng makita niyang magkasama si Samantha at Felix.
"Traydor!!" Sigaw niya habang sinusugod si Felix.
Napasigaw ako ng pinalo siya ni Bruce sa may Likod.
" Tama na!!" Nagsimula na naman akong umiyak.
Hindi ko kayang nakikita silang ganito. Kung pede lang sanang ako nalang ang saktan ang inihulog nila sa bangin na iyon para mailigtas ko ang mga kaibigan ko ay gagawin ko.
" Para mas intense naman ang laro natin ganito ang gagawin natin!" Nakangising Sabi ni Rena.
" Lets kill them infront of Fate" Sabi niya sabay abot kay samantha ng isang baril.
" Good idea" Tumatawang sabi ni Shai at Krisz.
" Pwede bang ako nalang ang bumaril? Balato mo nalang para makahiganti rin naman ako" Sabi ni Felix.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...