Lunes ngayon kaya maaga akong gumising! first day din ni kuya Ryan ngayon sa school namin pero alam ko di naman siya kabado nakapag aral na naman kasi siya sa Xiao Min university nung 1st year at 2nd year .
"Engot tara na malilate na tayo " tawag niya sakin habang palabas na sa pintuan namin.
"Oh heto na! Kukunin ko lang muna ang bag ko " sagot ko kay kuya sabay ubos ang pagkain nasa pinggan ko.
Dali dali naman akong lumabas at pumasok sa kotse ni kuya Ryan , simula ngayon sa kanya na ako sasabay may student license naman kasi siya! kaya binilhan na siya ni daddy ng kotse.
Habang nagbabyahe kami ay bigla kong naalala si ate Love ex girlfriend ni kuya isa sa dahilan kung bat siya pumunta sa canada.
"Kuya, ready ka na bang makita si ate Love?" Bigla tuloy akong na untog sa gilid ng sasakyan ng biglang mag preno si kuya.
" Aray!! kuya naman eh "
"Tsk! Ikaw naman kasi bat ka ng gugulat sa tanong mo" sagot ni kuya.
" Eh di ko naman kasi alam na affected ka pa rin no!" sagot ko habang hinahawakan pa rin yung ulo ko.
" Huh? Ako affected ! Tsk.. hindi ah, matagal na kaya akong naka move on" sagot niya sakin habang nakangiti ng malapad.
"Hindi nga eh! Hindi halata! " sagot ko.
"Tsk.. what ever! Mag seat belt ka nga baka mauntog ka pa uli mas lalo kang pumangit" sabi niya sakin habang pinpaandar yung kotse.
Tsss... kahit kailan bully talaga tung kuya ko di nalang ako nag salita dahil baka mas lalo pa kaming malate pag nagtalo na naman kami.
Pagdating namin sa school napaka daming estudyanteng nagtitinginan samin ni kuya, kasi naman tung kuya ko kilalang isa sa campus crush at chick boy sa school namin noon maliban pa sa badboy.
"Maswerte ka engot at sumabay ka sakin ngayon, nasali ka pa sa kasikatan ko " pagyayabang ni kuya.
" Tsss... hangin mo rin kuya eh" sagot ko.
" Correction gwapo" sabi niya.
Oo sikat si kuya dito sa school namin simula pa nung 1st at 2nd year kami, kaibigan niya sila Travis pati na rin si Felix si kuya nga ang rason para mas makilala ako ni Felix noon.
Kilala ng lahat na kapatid ko si kuya pero wala namang may pake nun, dahil sabi ko nga loner na estudyante lang ako sa school namin .
Flash back
Lagi kong nakikita sina kuya Ryan kasama yung mga kilalang estudyante dito sa school namin sina Andrew Salazar, Gray Del valle , Mark Gil ,Travis Lawrence Lee at si Felix Anthony Gamboa. Elementary pa lang ako crush na crush ko na si Felix.
Sobrang sikat nilang anim sa whole campus at kahit na sa ibang campus, madaming mga babaeng patay na patay sa kanila pati sa room namin ay lagi silang pinag uusapan . Lagi din silang nanalo sa basketball maraming nagsasabi para daw silang gang pero sa pagkakaalam ko wala namang mga gang na grupo , sa movie at mga libro lang naman yung mga ganyan. Nung una ayaw ni kuya na maging Boyfriend ko si Felix pero pumayag na din siya sa isang kondisyon na walang makakaalam ng relasyon namin maliban sa kanya, pumayag kami ni Felix. Pero nung nalaman ni kuya na naghiwalay kami ni felix dahil sa tinwotime niya ako ay halos di na niya tantanang suntukin si Felix dahil dun ay di na sila nag pansinan pa . Saksi si kuya sa sakit na naramdaman ko dahil kay Felix sa panahong nag hiwalay kami ni Felix ay panahong nag hiwalay din si ate Love at kuya Ryan rason para sa canada na siya mag aral.End of Flashback
"Hoy,, engot bat ka tulala diyan dahil ba sa natatanggap mong gwapo talaga ako?" Tanong ni kuya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...