meeting you

144 12 0
                                    

" Bitawan mo siya kung gusto mo pang mabuhay" sabi ng lalaking nasa likuran ko.

" Bakit naman ako susunod sayo? Sino ka ba sa akala mo??" Sarcastic niyang tanong.

Nakita ko ang pag sara ng kamao ni Travis habang mabilis na lumalapit sa amin.

Dali dali ko siyang hinawakan sa balikat niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

" Sandali tuturuan ko lang ng leksyon" Sabi niya. Sabay lapit sa lalaki.

" Travis pwede ba!!" Sabi ko sabay hila sa kanya. Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ako.

" Travis Lawrence Wag kang barumbado" sabi ko.

" T-Travis??" Gulat na sabi ng lalaki.

" So-sorry hindi ko talaga alam na ikaw yan!! " na uutal at nanginginig niyang sabi.

Seryoso siyang tiningnan ni Travis habang lumalapit ito sa lalaki.

Hinila ko ulit ang kamay niya dahilan para mapahinto siya.

" Travis!!" Sabi ko. Ramdam ko kasing gusto niyang suntukin ang lalaking yun.

" Aishh!! Sige na umalis ka na" sabi niya sa lalaki, dali dali namang tumakbo papalayo ang lalaki.

Agad akong lumayo sa kanya at nag patuloy na sa paglalakad.

Ramdam kong sumusunod sa akin si Travis, hindi ko namalayan na sinusundan niya pala ako kanina pa akala ko naiwan ko na siya dun .

Nasa harap na ako ng Gate namin, nilingon ko si Travis at nakita ko siyang nakayuko habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. Tumingin siya sa akin tiningnan ko lang siya saka ako pumasok sa bahay namin.

Sinilip ko kung andun pa siya sa labas nakita ko naman si Red na nakasakay sa isang kotse at si kyle na naka sakay sa motor.

Ibinigay ni Kyle kay Travis ang susi ng motor saka siya nag salita.

" Bakit iniwan mo yung motor mo trav??" Tanong ni Kyle.

" Wala lang, gusto ko lang maglakad " Sagot ni Travis.

" Salamat sa paghatid " dagdag pa niyang sabi.

Ngumiti si Kyle saka niya tinapik si Travis sa balikat. Pumasok siya sa kotse sumenyas naman si Red kay Travis saka niya pinaandar ang kotse.

" Sochan anong ginagawa mo? Bat ka naka silip dyan?" Tanong ni Elyza dahilan para mapasigaw ako sa gulat.

Tinakpan ko ang bibig ko at dali daling tinakpan ang bibig niya ng isa kong kamay.

Narinig kong humarorot ang motor ni Travis, tinanggal naman ni Ely ang kamay ko sa bibig niya at dali daling binuksan ang Gate para tingnan kung sino yun.

" Si Travis yun ah!? " sabi niya sa akin habang tinitingnan ako.

" Wag mong sabihing sinisilipan mo siya!! " sabi niya ulit.

" Yah sochan!! Tumingin lang ako saglit " sabi ko.

" Hmmm,,, ikaw sochan ahh,," Panunukso niyang sabi.

" Yah!! " sabi ko sabay talikod at lakad.

" Ayyiee sochan,, " panunukso niya ulit na sabi.

" Ewan ko sayo !! " sabay pasok ko sa bahay.

Hindi pa rin niya ako tinigilan hanggang sa hapunan. Tanong pa rin siya ng tanong kung bakit ba raw ako nakasilip dun.

Pagkatapos ng hapunan dali dali na akong pumunta sa kwarto ko. Ang ingay din kasi ni Kuya Ryan at Elyza Sochan sa sala naglalaro sila ng online games.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon