FATE POV
Maaga akong nagising ngayon. kailangan ko kasing pumunta ng school ng maaga dahil ngayon ang Championship ng basketball
Senior high school Vs. 4th year ang laro mamaya kaya excited ang lahat.Pagkatapos kong mag ayos bumaba na ako kumain lang ako ng cereals tapos uminom ng gatas.
Paglabas ko wala na si kuya, iniwan na naman niya ako ganyan naman talaga siya pag galit sakin pinapahirapan niya ako.
Pagbukas ko ng gate nakita ko si Felix nakasandal sa kotse niya.
" Anong ginagawa mo dito? Tsaka magaling ka na ba? " tanong ko.
Nginitian niya lang ako " kaya nga ako nandito para mas gumaling pa eh " sagot niya.
" Huh?? Wala namang hospital dito ah! " nagtataka kong sagot.
" Hindi naman kasi hospital ang Kailangan ko, kundi ikaw! " sagot niya sabay kindat.
Pakiramdam ko umiinit yung pisngi ko, namumula na ata ako kaya hinawakan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay.
" Ayos lang Fate! Wag mong itatago kung namumula ka maganda ka pa rin naman! Saka masaya ako na tinatablan ka pa rin ng mga linya ko" sabi niya.
" Tara na! Sabay na tayong pumasok " aya niya sakin sabay bukas sa pinto ng kotse.
Tahimik lang akong naupo sa kotse habang bumbyahe, naninibago kasi ako sa kinikilos ni Felix ngayon.
"Birthday pala ni kaden sa byernes gusto niyang andun kayo nina Ziah at Kath " sabi niya.
" Sige sabihin mo sa kaniya pupunta kami ! " sagot ko.
"Manonood ka ba ng laro namin ngayon? " tanong niya.
" Oo! Nakahanda na nga yung mga susuotin namin" sagot ko naman.
" Mas gagalingan ko pa pala kasi manonood ka! " sabi niya habang nakangiti.
Hindi naman ako nakasagot tiningnan ko lang siya habang nakangiti sakin.
" Nandito na tayo " sabi niya.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
" Fate! Alam ko wala akong karapatang humiling sayo ng kahit ano pero gagawin ko parin " seryoso niyang sabi habang nakatingin sakin pakiramdam ko matutunaw ako.
Ewan ko ba pero ang lahat ng kilig na naramdaman ko kay felix noong 2nd year pa kami ay nararamdaman ko ngayon.
" Fate hayaan mo lang sanang iparamdam ko sayo ang pagmamahal ko! Ayos lang na di mo suklian! Gusto ko lang na kahit sa maikling panahon maiparamdam ko sayo kung gaano kita ka mahal! Sana hayaan mo lang akong mahalin ka ! " mga salitang nagpakabog ng puso ko na sinabi ni Felix.
" Pero Felix- " di na niya ako pinatapos, ng magsalita na naman siya.
" Sssshhh... wag mo naman akong i reject, tulad ng sabi ko Fate malapit na akong mawala dito sa mundo kaya kahit sa kaonting pagkakataon hayaan mo sanang maging tayo ulit! Gusto ko lang na sumaya at alam kong manyayari lang yun pag kasama kita Wag kang mag alala kinausap ko na si Ryan at ang sabi niya nasa iyo ang desisyon" sabi niya.
" Please!! Sana pagbigyan mo ako Fate" dagdag pa niya.
Di ko alam kung ano ang isasagot ko, ang bilis ng mga pangyayari! pero alam kong ang sama ko naman kung ipagkakait ko kay Felix na sumaya siya kahit sa kaonting panahon.
Nakita ko naman na nagsisisi talaga siya sa ginawa niya sakin noon, ilang beses niya na ring iniligtas ako kahit pati buhay niya napapahamak, i think he deserve a second chance! He deserve to be happy! Sana makatulong ako para mas lumaban pa siya sa sakit niya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...