Making Memories

198 15 0
                                    

Pagkatapos ng tuksuhan pumunta na kami sa kwarto ko, iba din trip ng mga kaibigan kong to horror ang gustong panoorin.

" Bestfriend wag nalang horror please " Sabi ni Kath.

" Sige na naman maawa kayo samin " Sabi ko rin.

" Mga bestfriend movie lang naman to! Hindi naman to totoo " sabi ni Andrew.

" Eh bat pa kasi Horror " Sabi ko.

" Kdrama nalang kaya!? I'm not a robot, legend of the Blue sea o Cdrama a love so beautiful." Sabi ni Kath.

" Sige yun lang" sagot ko.

"Ano ba kasing problema sa Horror movie?" Tanong ni Mark.

" Takot kasi sa Multo si Fea" Sabat ni Travis.

" Ahh..kaya pala! Bat mo alam Trav? Akala ko ba mag kaaway kayo ni Fea noon " tanong ni Gray.

" Kaya ko nga alam kasi Tinakot ko siya noon, kaya ayun di siya nakatulog ng buong gabi " Natatawa niyang sabi.

" Ganyan siya kasama sa akin " pagsusumbong ko.

" Ano gusto mo Bestfriend Fea ? Ipa torture natin to? " birong sabi ni Mark habang sinasakal kunwari si Travis. Dahilan para matawa ako.

Dahil sa gusto talaga nilang manood ng horror wala na akong nagawa, kaya heto ako patago tago sa likod ni Gray.

Ang isa kong kaibigang babae naman ay parang wala lang! Si Ziah na nasa harap talaga ng tv! ito namang si Mark kath at Mia eh kain lang ng kain para bang di nabusog sa birthday party kanina.

Nakahiga naman si Travis at Andrew habang nanonood.
Pagkatapos ng panonood namin , lumabas na naman ang pagkabaliw ng mga kaibigan ko at nag simula nang magkatakutan.

Kaya hayun takbo kami ng takbo at nagtatagong mga babae pano nagkasundo yung apat na lalaki para takutin kami.

" Geh! Manakot pa kayo bugbug talaga kayo sakin" Sigaw ni Ziah.

" Kuya!! Stop scaring us, sumbong talaga kita kay eomma" sabi ni Mia.

Dahil sa sobrang takot namin ni Mia ni lock namin yung pintuan ng kwarto ko kasama sina Ziah at kath.

" Uyy mga bestfriend buksan niyo naman to " Tawag ni Gray sa amin.

" Ang lakas niyong manakot, pwes manigas kayo diyan " Sabi ni Kath.

" Dun na kayo matulog sa guest room! Alam naman ni Travis kung nasan yun banda" sabi ko.

" Talaga bang hindi niyo kami pagbubuksan?? " Tanong ni Andrew.

" Hindi!! " Sabay na sagot nina Kath at Mia.

" Ayaw nila eh! " Sabi ko.

" Matulog nalang kayo mga mokong " Sabi ni Ziah.

" Goodnight Mga Bestfriend " Sabi ko.

" Goodnight " Sabay nilang sagot.

Di nagtagal wala na rin kaming narinig na ingay sa labas ng kwarto .
Napagod na siguro yung apat kaya nag pa tugtog ako ng Planet shakers at nagdasal saka natulog na rin kami.

Pagkaumagahan maaga akong nagising at tumulong kay Nanay Tising na maghanda nagluto ako ng adobo at ang paborito kong afritada .
Nagtortang talong din ako, ito kasi ang specialty ko.

"Hmmm.... anong amoy yun?" Tanong ni Ziah .

"Oo nga ang bango naman" sabi ni Andrew .

"Nagluluto ka pala Fea? " tanong sakin ni Gray.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon