Napayuko ako habang sinasabi iyon sa isipan ko.
Biglang uminit ang mga pisngi ko dahil sa luhang tumulo. Inangat ni Travis ang mukha ko. Kasabay ng malakas na ulan, nag hiyawan sila Mia at ini enjoy ang ulan. Hinila nila kami ni Travis at sabay sabay kaming nag habulan at nagtawanan habang dinadamdam ang buhos ulan. Savior ko ang ulan ngayon upang hindi nila malaman kung gaano ako nasasaktan.
Nasasaktan dahil sa mga alala kung paano ko sinaktan noon ni Travis. Karma ko na siguro ang mga nangyayari ngayon
Na
Magka gusto ako kay Travis.
" Ate Fate mauna na kayo ni Travis Oppa! Pupunta pa kaming school" sabi ni Mia.
Tumila na ang ulan at nakaupo kaming lahat sa stage. Wala na kasing tao dito dahil nag si takbuhan na sila ng umulan kanina.
" Pero basang basa ka! Baka magkasakit ka Mia Lauren!!" Sabi ni Travis.
" Don't Worry oppa may damit ako sa locker ko pati sila.!" Nakangiting sabi ni Mia habang tinuturo ang mga ka grupo niya.
" Super Thank you sa inyong dalawa. Ang dami kong natutunan" Sabi ni Gail.
" Basta wag kayong mahihiyang lapitan kami pag kailangan niyo pa ng tulong" sabi ko.
" Sige po ate Fate salamat" nakangiting sabi ni Shaira.
" You deserve the best actress award ate Fate umiyak ka pa kanina. Dalang dala sa emosyon ng story" sabi ni Allen.
" Si Kuya Travis din parang totoo niyang naranasan yung lines" sabi ni Angelyn.
Nagpaalam na sila sa amin niyakap nila kaming dalawa ni Travis saka sila umalis.
Napaupo pa ako sa bench kasi kausap ni Travis is Tricia sa cp niya.
" Lets go!" Tawag niya sa akin
Kinuha niya ang bag niya at inabot sa akin ang isang white shirt na may naka sulat Truth Feelings." Magbihis ka muna sobrang nabasa ka" hindi na ako nag react. Alam ko kasing di siya papatalo.
Dali dali akong pumunta sa cr at agad na bumalik.
" Hello Tric, yes pauwi na ako. See yah tomorrow " Sabi niya saka ibinaba ang cp niga, Kumikirot na naman yung puso ko.
" Tara na!" Umangkas na siya sa Motor kaya umangkas na rin ako.
Tahimik lang ako, naisip ko lang paano kaya nakayanan ni Travis na makita akong laging kasama si Felix noon. Kasi ako ilang linggo palang simula nung na realize kong gusto ko siya lagi nalang kumikirot yung puso ko pag nakikita ko siyang may kasamang iba lalo na pag si Tricia.
Hindi ko na namang mapigilan ang mapaluha. Pati ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko ang O.A ko eh gusto ko lang naman siya.
Naisip ko lang kasi baka makagulo ako sa relasyon nila ni Tricia. Tulad ngayon hindi naman dapat ako ang kasama niya. Hindi naman dapat ako ang nakasakay sa motor niya, hindi dapat ako! kasi dapat si Tricia. Minsan na akong nasaktan dahil sa ibang babae kaya ayaw kong maranasan yun ni Tricia lalo na kung ako ang magiging dahilan.
Ngayon ko lang na realize kung bat ako pinapalayo ni Travis noon sa kanya. Dahil ayaw niyang masira kami ni Felix. Dahil ayaw niyang makagulo at ayaw niya ding masaktan.
" Andito na tayo"
Bumaba agad ako at hinubad ang helmet saka inabot sa kanya.
" Salamat" sabi ko sabay talikod kaso hinawakan niya ang kamay ko.
" Fea sandali" bumaba siya sa motor niya at hinarap niya ako.
" Gusto ko lang sanang itanong kung yung sinabi mo na....."
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...