He Exist

164 13 1
                                    

" Felix?? Kuya?? Andito na kayo...???" Gulat kong sabi.

Nginitian lang ako ni Felix " Surprise Babe!! " sabay lapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit .

" Hi Trav! Salamat nga pala at iniligtas mo si Fate kanina " sabi ni Felix sabay hawak sa balikat ni Travis.

Hindi sumagot si Travis at tumango lang!

" May gagawin pa ako! Maiwan ko muna kayo dito " sabi ni Travis sabay tapik sa balikat nina Felix at Kuya Ryan.

" Hoy! Engot galit ka pa rin ba sa akin? " tanong ni kuya.

Ngumiti lang ako tapos lumapit ako sa kaniya, di ko naman mapigilan ang paghikbi.

" Fate! What happened?? Bakit ka umiiyak? " nag aalalang tanong ni Felix.

Umiling lang ako saka ko pinunasan ang luha ko!

" Engot, bat ka ba nag dadrama huh??" tanong rin ni kuya sabay gulo ng buhok ko.

Ngumiti lang ako saka ko siya niyakap.

" Felix, pwede ko bang hiramin si Fate sandali?? Namimis lang siguro ako nito, saka may sasabihin din ako sa kaniya." Paalam ni kuya Ryan.

Tumango naman si Felix sabay sabing " Sure! No problem, take your time! Alam kong may mga hindi pa kayo pagkaka intindihan kaya Kailangan niyo talagang mag usap." sagot ni Felix.

Dinala ako ni Kuya ngayon sa may hanging bridge, nakaupo lang kami dito at habang nakatingin sa ibaba, tinitingnan ang pag agos ng ilog.

" Ayos ka na ba?? " tanong ni kuya.

Tiningnan ko lang siya at tumango saka ulit tumingin sa ilog.

" Alam kong may malalim kang Problem! Gusto mo pag usapan natin?" Tanong ulit ni kuya.

Napayuko naman ako habang nilalaro ko ang mga kamay ko.

" Kuya, tungkol kasi ito kay Travis! " Nahihiya kong sabi.

" Bakit?? Umamin na ba siya?? " tanong ni kuya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

" Pa-paano mo nalaman? " Gulat kong tanong.

"Lewisa, wala nga ako dito pero marami akong mata sa paligid na laging nagmamasid sayo" sagot niya.

" Saka matagal ko ng alam na gusto ka ni Travis! " dagdag niyang sabi.

" Pa-paano mo naman nalaman?? " tanong ko ulit.

" Tanda mo yung naghiwalay kayo ni Felix? Tapos kitang kita mo puno ng pasa ang mukha niya, hindi ako ang may gawa nun!
Nung araw na yun, susugurin ko sana si Felix kaso nakita ko sila ni Travis! Sinuntok siya ni Travis ng napaka lakas, saka ko narinig kung ano talaga ang nararamdaman sayo ni Travis.

" Sabi niya nun kay Felix, diba sinabi ko sayo wag na wag mo siyang sasaktan! Pero anong ginawa mo?? Ipinagkatiwala ko siya sayo kasi alam kong sayo siya sasaya! Pero takte naman Felix eh, papasok ka sa buhay ni Fea tapos guguluhin mo lang! Mas nakita ko pa sa Mukha ni Travis ang pagkalungkot nun kesa kay Felix. Dun ko nalaman na matagal ka ng gusto ni Travis na kahit masaktan siyang makita ka sa iba ayos lang, kung magiging masaya ka naman."

Sa pagkarinig ko sa sinabi ni Kuya Ryan, mas nakaramdam ako ng inis sa sarili ko, ganun ba talaga ako ka gusto ni Travis? Ganun ba ako ka manhid para hindi mapansin ang mga yun! Ilang beses ko na pala siyang nasaktan hindi ko man lang alam.

" Napaka manhid ko pala talaga kuya!" natatawa kong sabi.

" Walang manhid na tao Lewisa! " seryoso niyang sagot.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon