Kita ko pa kung paano sila nagtawanan. Niyakap siya ulit ni Tricia at hinalikan nito sa pisngi bago siya pumasok sa building.
Nagpatuloy ang pag agos ng luha ko. Nang maramdaman kong may pumunas nito.
" Bakit ka umiiyak? " napalingon ako sa kanya. Agad kong pinunasan ang luha ko.
Nakatingin lang ako sa kanya.
" Wag mo sabihing nasasaktan ka?" Tanong niya.
" Huh? K-Kasi natatakot pa rin ako sa nangyari kanina"
Bat ko ba kailangan mag explain sa Jeron na to.
" I don't think so" nakangisi niyang sabi.
" Bakit nandito ka pa? Plano mo na naman bang kidnapin ako?" Tanong ko. Natawa lang siya.
" Papunta na siya dito! " nakatingin siya sa kinaroroonan ni Travis.
" See yah if i see yah! " nakangiti niyang sabi sabay kindat. Agad niyang pinaharurot ang kotse niya.
Anong problema ng Jeron na yun? Bat parang bumait siya ngayon? Pareho ata sila ng ugali ng pinsan niya Bipolar.
" Bakit kasama mo si Jeron?" Natauhan ako sa boses niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
" Anong pakealam mo?" Sagot ko saka naglakad.
" Alam mo namang mapapahamak ka sa kanya." Sabi niya.
" Wala ka ng pake dun!" Sagot ko.
Magagalit na naman siya! Sesermonan na naman niya ako dahil sa sumasama ako sa kahit sino. Hindi nga niya alam kung anong nangyari sa akin kakahintay sa kanya.
" Fea san ka ba pupunta? " hinila niya ako pabalik sa kanya.
" Bitawan mo nga ako! uuwi na ako" sabay hila sa kamay ko pero hinila lang niya ulit.
" Sasabay ka sa akin!" Hinila niya ako papalapit sa motor niya.
" Ano ba Travis!! " Napahinto siya, napalakas kasi ata ang boses ko. Buti nalang walang gaanong taong naglalakad dito.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...