" Baka matunaw ako niyan! " sabi ni Travis nanlaki ang mga mata ko! Kanina pa pala siya gising.
Nakakahiya ka Fate!
" Gising ka na pala! " nahihiya kong sabi.
Tiningnan niya lang ako!
" Titigan mo lang ako hanggang gusto mo! " nakangiti niyang sabi.
" Huh?? Ah ka-kasi hindi kita tinititigan no! Inayos ko lang pagkakatulog mo kanina, baka kasi magising ka! " sagot ko.
Nakangiti pa rin siya habang tumatango.
" sabi mo eh!! " sagot niya.
Naiilang naman ako kasi kanina pa niya ako tinitingnan.
" Wag mo nga akong tingnan ng ganyan Travis " sabi ko.
" Ang daya mo naman! Hinayaan nga kitang titigan ako kanina" sabi niya.
Natahimik ako, tinakpan ko nalang ng panyo ang mukha ko saka ako pumikit makatulog na nga lang ulit.
Narinig ko namang natawa si Travis ng mahina. Kahit kailan talaga tung badboy na to!➖➖➖
" Fea!! Fea!! Gumising ka na! "
" Renren!! " salitang lumabas sa bibig ko. Nakatulog na naman pala ako.
lumingon ako para tingnan kung sino ang sinasandalan ko.
" Andito na tayo! " Sabi ni Travis, magkalapit na ang mukha naming dal
awa kaya dali dali akong dumistansiya sa kaniya.
" Ang bigat mo pala" sabi niya. Sabay masahe sa balikat niya.Inamoy niya rin ito.
" Tulo laway ka rin pala!" sabi niya.
Napahawak ako sa mukha ko wala namang laway.
" Hindi ako tulo laway ah!! " sagot ko.
Natawa siya sa reaction ko, saka siya tumayo para lumabas sumunod naman ako.Pagdating namin namangha ako sa ganda ng paligid lalo na ang mga pananim na bulaklak at strawberries sa paligid.
Napaka laki ng bahay na pinasukan namin gawa ito sa kahoy. At ang nakakahanga pa dito ay hindi nila pinuputol ang puno ang mga bahay na kanilang ginagawa ang nag aadjust sa puno. Makikita mong iniingatan talaga nila ang kalikasan.
Nagkaroon pa nang pa welcome sa aming lahat! Kahit malayo ako kina Samantha at Rena hindi naman ako komportable sa pagtingin nila sakin, para naman atang mamatay ako.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Fiksi RemajaIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...