Cafe

154 14 0
                                    


" Ano ba yung gusto mong sabihin sakin?? " sabi ko, dahilan para lumingon sila sa akin. Kita ko sa kanila ang pagka gulat.

" F-Fate kanina ka pa ba nandyan? " tanong sa akin ni Felix.

" Bago lang naman, bakit ano ba yung sasabihin mo? " pabalik kong tanong.

" Ah-eh kasi---- ano pupunta kasi kami nina mommy sa hacienda Gamboa kaya baka maka absent ako ng tatlong araw! Kaya baka tatlong araw din tayong di magkikita! Ayaw ko sanang sabihin pa sayo dahil ayaw kong malungkot ka! " sagot niya.

" Ah ganun ba! Yun lang naman pala eh! Ayos lang sakin yun! Akala ko kung ano pinagtatalunan niyo ni kaden" sabi ko sabay ngiti, nginitian naman nila ako pabalik.

" Sige bestfriend iwan ko muna kayo ni kuya Felix " paalam ni Kaden, napansin ko naman naparang hindi siya ok.

" Bestfriend ayos ka lang ba?? " Tanong ko sa kanya. Dahilan para lumingon siya.

" Ahh!? Oo ayos lang ako " sagot niya sabay ngiti.

" sige bestfriend una na ako! " dagdag niya. Tumango lang ako saka ako kumaway.

Bago kami bumalik ni Felix sa room, nag plano kaming pumunta sa caffe na malapit dito sa school. Dun niya raw kasi i mi meet yung anak ng business partner ng parents niya. Gusto raw niya akong makasama bago sila pumunta sa hacienda Gamboa.

Nang mag lunch break na nagpaalam na sa akin si Felix para makipagkita sa ka business partner nila. Magkikita din naman kami mamayang alas tres.

Sobrang pinagkakatiwalaan si Felix ng parents niya lalo na sa negosyo nila, lahat kasi ng gusto ng parents niya sinusunod niya talaga! Dun sila magkaiba ni kaden, si kaden kasi pag ayaw niya ayaw niya talaga. Wala siyang pake sa kung anong iisipin ng iba.

Habang busy sa pag uusap sina Ziah kath kaden at ely lumabas muna ako. Pumunta ako sa peace garden, nakita ko si Andrew sa madalas naming inuupuan noon tahimik lang siya. Lagi naman siyang Tahimik minsan lang siyang mag salita, Introvert talaga pagkakakilala sa kanya ng lahat. Pero unti unti na ata siyang na hawaan nina Gray at Mark.

" Bestfriend!! " tawag ko sa kanya, sabay kaway. Ngumiti lang siya habang kumakaway pabalik.

" Ba't ka andito?? " sabay naming tanong sa isat isa. Dahilan para matawa ako.

" Gusto ko lang mapag isa bestfriend " sagot niya.

" Huh? Bakit naman? Broken hearted ka ba.?" Biro kong tanong.

" Hindi bestfriend, may sakit ako! " seryoso niyang sabi.

" Huh? Talaga ba? " sabi ko, sabay hawak sa noo niya.

" Anong masakit sayo ulo mo? Tyan mo? Ano ?? " nag aalala ko tanong.

" Yung totoo bestfriend! Hindi na maaagapan tung sakit ko malala na! " sabi niya.

" B-Bestfriend!! Ano bang pinagsasabi mo?? " kinakabahan kong sabi.

Napansin ko naman na pinipigilan niya lang na di matawa. Kaya binatukan ko siya ng malakas.

" Aray!! Bestfriend bakit mo ginawa yun?." Gulat niyang tanong.

" May sakit ka? Malala? Tapos sa huli sasabihin mong yang kagwapuhan mo ang sakit mo dibah!? Hayss.. napakahangin niyo talaga!! " Sagot ko.

" Heheheh! Talino na nang bestfriend ko! Pero malala naman talaga kapogian ko ah! " sabi niya. Sabay pa pogi sign.

" Tssss.. ge ilusyon pa bestfriend!! Kailangan ko na talagang makahanap ng gamot para sa inyo " sabi ko.

" Seryosong usapan bestfriend, wag mong gagawing biro yung mga ganung usapan mamamatay ako sa pag aalala eh " dagdag ko.

" Oo na sorry na po! Pero yung totoo bestfriend wag mo na akong batukan ng ganun ka lakas nakakamatay eh! " sabi niya, sabay hawak sa parte ng ulo niya na binatukan ko.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon