Relihiyosang Palaban

253 15 0
                                    

Pagpasok namin sa room wala yung teacher namin kaya napaka ingay sa loob, ganito naman talaga kaming section eh.

Napag isipan nina Ziah na mag isip ng tono para sa composition contest na sasalihan ko kaya ayun mas lalong umingay.

Hanggang sa lahat ng mga classmates namin eh sumali na sa kanila ni Ziah at kath habang nakikitawa lang din ako.
tawa lang kami ng tawa lahat dahil sa mga tonong nabubuo nila.

Habang gumagawa sila ng tono iniexplain naman sakin ni Andrew kung anong dapat kong gawin.

Hanggang sa napunta sa kasalan ang topic nila kaya nag sabayan silang lahat na kumanta ng beautiful in White nakikanta naman ako.

And as long as i live i love you to love and hold you
You look so beautiful in white......

"All of you!! can you please shut your mouths!!!

Natahimik kaming bigla ng marinig naming sumigaw si Travis. Umupo siya saka niya ipinatong ang mga paa niya sa isa pang upuan. Halatang galit sya nag salubong na naman kasi ang kilay niya.

"Travis nagising ka ba namin"  sabi ni Kath.

"Tinutulungan kasi namin si Lewisa eh" sabi naman ni Ziah.

"Tssss... helping her? Nonsense!! " malakas niyang sabi.

" Para sa curriculum naman natin tong ginagawa ni Fate pagnanalo siya." Sabi ni Shane.

" Wag na kayong umasang mananalo pa tayo sana ginalingan ni Andrew sa pag pili, di sa kung sino sino lang niya binigay! to someone who don't deserve it!" Sarcastic na sabi ni Travis.

" Are you sure na mananalo siya? don't expect too much guise!! " Dagdag niyang sabi.

Nang marinig ko yun mula sa kanya ay parang kinurot ng malakas ang puso ko, grabe na siya! Sobra na siya! Sumusobra na ang pagkamaldito niya.
Kahit sabihin nilang ganun talaga siya magsalita eh kaya iintindihin nalang siya palagi. Nakakasakit din kaya mga pinagsaabi niya.

Aalis na sana siya pero hinabol ko siya sabay tawag "Mr. Travis Lawrence Lee" napahinto naman siya.

"What Lewisa Alfea Fate Bagus??" diin niyang tanong sakin habang todo tingin.

"What Lewisa Alfea Fate Bagus??" diin niyang tanong sakin habang todo tingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di naman ako nag pa tinag at mas lumapit sa kanya. Minsan Kailangan mo ring lumaban para gisingin yung tao na mali na siya! Na hindi na tama ang ginagawa niya.

"Alam ko namang hindi ako ganun ka galing pero wag mo naman akong maliitin " naluluha kong sabi.

"Alam ko namang hindi ako ganun ka galing pero wag mo naman akong maliitin " naluluha kong sabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi naman kita minamaliit Ms. Bagus
Ang sinasabi ko lang ay di gawain ng isang bise presidente na mamuno ng kaingayan sa klase" Sagot niya sa akin.

"Trav ok lang naman siguro nagkakatuwaan lang naman sila " sabi ni Andrew habang hinahawakan si Travis sa balikat.

"Yes! Thats right Andrew walang mali sa ginagawa namin, We're just singing and having fun, if you don't want to see us laughing then get out of here! walang pumipigil sayo" sabay bato ng lalagyan ng mineral water sa kanya.

Agad niya itong sinalo saka dahan dahan niya itong hinawakan ng napakahigpit haggang masira.

" Saka wag kang mamintang kailan pa ako nag ingay ng malakas sa klaseng ito ha!? Ikaw nga yung feeling bossy dito! Hoy Travis wag mong alipinin yung ibang mga estudyante dito, di porke kayo ang may ari ng school na to eh magmamayabang ka na!!" dagdag kong sabi.

" Hindi ako nagmamayabang!! " Sagot niya.

" Eh di Hindi!, just stop treating the students of this school like your slaves, pantay pantay lang tayo dito uyy." Sabi ko ulit.

Narinig ko naman ang pagkabigla nga mga kaklase ko sa ginawa ko kay Travis. Rinig ko yung mga bulungan nila.

"Oh by the way nakalimutan ko MR.SSG PRESIDENT na hindi gawain ng isang ssg president ang pigilang sumaya ang iba , bitter mo ! " huling sinabi ko sabay alis.

Pagkalabas ko sa room sinundan ako nina kath pero sinabi kong gusto kong mapag isa.

" Gusto mo talagang magapag isa?? " tanong ni Kath.

" Bestfriend super proud ako sayo ang cool ng ginawa mo kanina! " Masayang sabi ni Ziah.

" Tumigil ka nga Zi, ikaw pag gulo talaga sumasaya ka pa!! ".Sabi ni Kath sabay palo kay Ziah.

" Uyy hindi ah! I'm happy lang naman kasi marunong ng lumaban si Fate. " Sabi ni Ziah.

" Pero nakakatakot yung naging kalaban mo bestfriend " Nag aalalang Sabi ni Katherine.

" Wag kang mag alala Katherine, sure ako walang gagawin si Travis kay Bestfriend Fate." Sabi naman ni Ziah.

Pagkatapos nang usapan namin ay hinayaan  na nila ako. Tulad kasi ng sinabi ko gusto kong mapag isa.

Whooo!  Nasabi ko ba lahat ng yun kay Travis ?? Sinaniban ata ako ng powers ni Ziah at ng pinsan kong nasa Korea.

Sorry Papa God pero matagal na akong nag titimpi sa kanya panahon na siguro para ilabas ko naman yung saloobin ko.

Hayyysss sobra na rin kasi siya, marami na siyang sinabi na masasakit na salita na tiniis ko, kasi nga liban sa masama ang umaway eh ayaw ko din ng gulo, pero ngayon maliitin niya yung pagkatao ko?

Hindi naman ata ok yun! Dapat malaman niya rin na nakakasakit na siya.
Hindi porke napapasunod niya ang lahat ng students dito sa school eh gaganitohin na niya ako.

Nakakapagtaka lang kung saan ko kinuha ang lakas ko para sabihin lahat ng yun kay Travis. Siguro napuno na talaga ako! Biruin mo inaaway at pinagsasalitaan na niya ako ng masasakit simula pa nung elementary siguro naman lahat mauubusan din ng pasensisya.

Nakakapagtaka lang na hindi nakipagtalo si Travis sa akin kanina. Wala pang pagkakataon na nanalo ako kontra sa kanya sa tuwing nag aaway o nag tatalo kami. Ngayon lang ata yung unang beses na pakiramdam ko ako yung nanalo.

Nakakatakot lang baka maghiganti talaga siya, baka di ko kayanin ang Revenge nung mokong na yun, huhuhu wag naman po papa God. Gusto ko lang namang malaman niya na nakakasakit at nakaka agrabyado na siya ng ibang tao.  Bakit ba kasi pinaglihi sa ampalaya ang lalaking yan.

Parang walang ka sweet sweet sa katawan eh! Kawawa naman magiging Future wife niya,, sana nga lang makatiis siya sa ugaling meron yang si Travis. Yung totoo gustong gusto kong tulungan si Travis na mabago kahit kaonti. Baka kasi may malalim na dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.

Ewan ko ba! Pagkatapos ng nangyari kanina nakokonsensiya ako! Parang Pakiramdam ko ang sama sama ng ginawa ko.

Hindi naman porke Relihiyosa ako eh hindi na ako nakakaramdam ng galit, tao pa rin naman ako! At walang taong perpekto.
Tao rin kaya ako nasasaktan! Nauubosan din ng pasensiya.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon