Courting

161 8 0
                                    

Fate POV

"Engot gising na!!" Rinig kong tawag sa akin ni kuya habang tinatapik ako sa balikat.

" Hhmm.. Kuya 5 minutes pa." Sagot ko.

" Gumising ka na dyan! " Malakas na sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko.

Tamad akong napaupo habang pinipilit buksan ang mga mata kong inaantok pa.

" Ang aga pa nga kuya oh!" Reklamo ko. Sabay turo sa wall clock.

" Maaga pa nga! Hindi ka malilate pero may nag aantay na sayo sa baba." Sagot niya.

" S-sino?" Nauutal kong tanong.

" May hinihintay ka pa ba maliban kay Travis?" Pabalik niyang tanong.

Agad akong napatayo at nagpa lakad lakad paikot sa kwarto ko.

" Kumalma ka nga engot para kang tanga!"

Wow! Sobrang nakakatulong talaga sa akin ang mga pinagsasabi ng kuya kong to.

" Umalis ka na nga kuya! Isumbong kita kay ate love sa pakikipag basag ulo mo. Makikita mo!." Sabi ko.

" Bilisan mo maligo kakain na!" Huli niyang sabi bago niya sinara ang pinto.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay agad na akong bumaba.

" Lewisa kumain ka na sa kusina" Sabi ni Nanay Tising.

" Sige po nanay." Sagot ko.

" Beautiful Morning for my beautiful Girl" Bati ni Travis sa akin habang nakangiti.

Magkaharap silang kumakain ni kuya sa mesa.

" Asan si mommy kuya?"

" Umalis na sila ni daddy kanina" sagot ni Travis. Dahilan para mapatigil ako sa pagkuha ng pagkain ko na agad ko namang tinuloy.

" Ikaw na ba ako? huh Trav? " Sabi ni kuya.

" Saka bat ka nakikidaddy sa daddy namin?" Dagdag pa ni kuya.

" Kurt Calm down magiging daddy ko rin siya soon" Relax na sabi ni Travis.

Habang ako ay halos hindi na malunok ang kinakain ko.

" What? " Gulat na sabi ni Kuya.

" What? What?" Balik na tanong ni Travis.

" Umayos ka Travis Lawrence! Baka di kana maka pasok dito sa bahay." Seryosong sabi ni kuya.

" Di ka naman mabiro kuya" Sabi ni Travis.

" Don't call me that, I'm just 1 year older than you." Sagot ni kuya.

" Ok Kurt" Nakangising sabi ni Travis.

Gosh hindi ba siya napapagod ngumiti?

Anong nagyayari sa kanya? Diba dati lagi tung nakasimangot.

" Anong meron sa inyo ng mokong na to?" Tanong ni Kuya sa akin habang tinititigan ako.

" We are--"

" Stop! I'm not talking to you Travis." Pagpuputol ni kuya.

" Answer me!" Seryoso niyang sabi sa akin.

" W-wala!" Nauutal kong sabi.

" Yung totoo Lewisa"

Lagot seryosong seryoso na talaga si Kuya Ryan.

" W-wala nga kuya!" Sagot ko.

" What do you mean of wala?" Nakapout na tanong ni Travis.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon