Maaga akong nagising dahil sa pangungulit ni mama. Nandyan na daw ang mga kasamahan ni Tita geniva para sukatan kami. Nanghilamos lang ako saka bumaba.
Halos lumuwa naman ang mata ko ng makita kong andami na pala nila dito.
" Hello Bestfriend " bati ni Gray sa akin
Napa takip tuloy ako sa mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
" Kamusta gising mo?" Nakangising tanong ni Mark.
Dali dali akong bumalik sa kwarto at nagbihis." There you are " nakangiting sabi ni ate Love.
" Come on ikaw nalang ang di nasusukatan." Sabi niya pa.
Nakangiti sina ate Josy, Jovy at Joy sa akin. Kumaway naman ako sa kanila. Sila yung mga katulong nina Travis na naclose ko, kaya kinuha ko rin sila sa 18th roses ko. Nandito din si maam Ms.Mitch Gomez anak ni Mrs. Gomez. Inasikaso ko rin sina Jay at Dave kita ko kasing naiilang sila kasi may mga Blue Fire na nandito. Liban kasi sa mga kaibigan ko kinuha ko rin si Kyle at Red.
Nagpaalam na si Twinkle siya kasi ang pinadala ni Tita Geniva. Nagpaalam na rin yung iba at mga kaibigan ko nalang ang natira.
Kinukulit ako nitong si Gray na ipagluto ko daw sila. Wala na rin dito sina Mommy at Daddy na pumunta ng opisina. No choice naman ako kaya pinagluto ko nalang sila.
Naka assist naman sa akin yung mga kaibigan kong babae. Hindi sila marunong kaya tinuturuan ko pa sila paano mag slice at gawin ang paghahanda ng iluluto ko. Torta yung request nila,tinatamad man ako ay ginawa ko pa rin. Sinabayan ko na rin ng Tinola na paborito ni Kuya at Gray saka pakbet paborito ko.
" Ano bang drama ng mga kaibigan nating to! Si Travis ayaw kausapin si Fate. Si Kath naman deadma pa rin kay Mark." Sabi ni Ziah habang nag hihiwa ng sibuyas.
" Mas sobra pa nga sa magjowa" natatawang sabi ni Kaden.
" Magbatibati na nga kayo! Ang aarte niyo mamamatay lang naman tayong lahat" sabi sochan.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...