Celebration

165 14 0
                                    

"I-ikaw?? Bat ka ba nanggugulat ha!?" Masungit kong sabi.

" Kasalanan ko bang magugulatin ka!" Sarcastic niyang sagot.

" So kasalanan ko pa ganun?! Bat mo ba ako sinusundan??" Tanong ko ulit.

" Wag kang assuming pareho tayo ng subdivision diba!" Sagot niya ulit.

" Balakajan!! Mang aaway ka lang naman mauna na ako!" Sabi ko sabay lakad.

" Hoy relihiyosang loner sumakay ka na !" Sigaw niya sakin.

" Ayaw ko nga maaga kong ikakamatay pag sumakay ako dyan sa motor mo ang bilis mo kayang magpatakbo" masungit ko pa ring sabi.

" Eh di wag ! Bahala kang pagtripan ng mga tambay dyan sa paligid" pananakot niya.

" Tss... sino tinatakot mo?? Bat mo ba ako kinakausap diba ayaw mong sumasama ako sa inyo! Umalis ka na nga" sagot ko.

" Ang arte mo! Alis na ko Goodluck nalang sayo marami pa namang multo dito" sabi niya sabay paharurot ng motor niya.

" Mu-Multo!!? Maraming multo dito?? Hoy Travis hintay sasakay nako" takot kung sigaw, bakit naman kasi na punta sa multo ang usapan eh!

Pinabalik naman niya ang motor sa pwesto ko! mag iinarte pa sasakay din pala!" Sabi niya habang nakatingin sakin na may nang iinis na ngiti.

Sumakay na ako, hindi ko na siya sinagot! Baka kasi magmukha na naman kaming asot pusang dalawa dito. Pero di ko maiwasang mapasigaw dahil sa bilis ng pagmamaneho niya.

" Waaahhh!!! Travis!! Papatayin mo ba ako sa kaba" sigaw ko.

kahit nakatalikod siya sa akin ngayon alam kong nakangiti siya! Mas lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo.

" Travis!! Ang sama mo!!" Sigaw ko sabay kurot sa tagiliran niya.

Pagdating namin sa harap ng bahay ay agad akong bumababa sa motor niya nahihilo kasi ako na para bang masusuka.

Di ko nabalanse ang pagkababa ko kaya muntik na akong matumba buti nalang at nahawakan niya ang kamay ko.

" Ang lampa mo talaga" sabi niya.

" Eh ang lakas mo kasing magpatakbo, nahilo tuloy ako " sagot ko.

" Tss.. ang arte mo" sabi niya ulit.

" Aba at ako pang maart--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng may tumawag sakin.

" Lewisa!! Nandito ka na pala! Sino yang kasama mo??" Tanong ni daddy sabay bukas sa gate namin.

" Hi dad welcome back" bati ko sa kanya sabay yakap.

" Si Travis pala to! Ang gwapong binata" sabi ni daddy, dahilan para maubo ako.

" Good evening po tito David" bati ni Travis sa kaniya.

" Salamat naman ijo at hinatid mo tung Bunso ko" sabi ulit ni daddy.

"Ahmm,, dad uuwi na po si Travis! Bye Trav salamat, tara na dad" sabi ko sabay hila kay dad papasok sa loob.

" Sandali lang! Ijo baka gusto mong maghaponan dito, nagluto ako ng pakbet at tortang talong paborito nitong si Lewisa."

" Dad, busog pa po siya diba Trav" sagot ko sabay tingin ka Travis na nagsasabing umalis ka na.

" Naku po tito tamang tama gutom na po ako! Una na po ako sa loob" sagot ni Travis sabay tingin sakin na para bang nang iinis.

" Lets go Lewisa! Akala ko ba busog si Travis ?" Tanong ni Daddy.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon