Travis Lawrence POV
Medyo natagalan ang coordinator sa pag inform sa amin tungkol sa contest bukas, actually alam ko naman ang mga yun hindi ko naman kasi first time sumali sa singing contest, marami na akong nasalihan.
Isang oras na ata kaya dali dali na akong lumabas ng matapos kami, naalala ko kasi si Fate, wala siyang kilala dito at napaka inosente niya baka may mag take advantage ng kabaitan niya dito.
Kinabahan ako nang wala na si Fate sa kina uupuan niya kanina, imposibleng na una na siya! Hindi siya ganun pag ano yung sinabi niya tutuparin niya talaga yun. Ang sabi niya hihintayin niya ako.
Nagsimula na akong mag alala, naglakad na ako at hinanap siya, sana walang masamang nangyari sa kanya.
Nakita ko siya sa may tabing dagat may kasama siyang tatlong babae at tatlong lalake.
Uminit ang ulo ko nung makita kong hinahawakan nang isa sa mga lalaki si Fate sa may beywang niya, patuloy lang sa pagtalon at pagkanta si Fate na tila ba wala lang sa kanyang niyayakap na siya ng lalaking yun.
" Ano bang nangyayari sa kanya? Nahihibang na ba siya? " sabi ko sa sarili ko.
Lumapit agad ako at tinanggal ang kamay ng lalaking yun sa beywang ni Fate, sina shai kris at shane pala ang kasama niya! Bakit kaya sila nandito.
" Pare ano bang ginagawa mo? " sabi niya sabay tulak sa akin.
" Wag kang mangbastos ng babae Pare! Matuto kang rumespeto" sabi ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Ayaw kong napapaaway sa harap ni Fate, ayaw ko kasing nakikita yung mukha niyang parang takot na takot siya sa akin, pakiramdam ko ang sama sama ko pag nagiging ganun si Fate sa akin.
Hinawakan ko si Fate sa kamay niya, hindi na siya makatayo nang maayos, ano bang nangyayari sa kanya! Nakainom ba siya?
" Takte!! anong ginawa niyo sa kanya?" Galit kong sabi habang kinikwelyohan ang lalaking tumulak sa akin kanina, pumagitna naman si shai sa amin.
" Relax Trav! Were just having fun here! Just calm down" sabi niya, habang hinahawakan ako sa mukha, tinanggal ko agad ang kamay niya sa mukha ko.
" Calm down? Eh calm down mo yang pagmumukha mo! Alam mo naman hindi umiinom si Fate" Galit ko pa ring sabi.
Kung nandito lang si Ryan baka na patay niya na tung mga mokong na to. Pati siguro ako.
Medyo marami na ring mga taong nakatingin sa amin dito. Nilingon ko si Fea sa likuran ko na sumusuka, hayss ano ba kasing nasa isip niya at uminom siya.
"Gusto rin naman ng babaeng yan na hawakan ko siya pare! Halata namang nag eenjoy siya" sabi nung lakaki.
Hindi ko na mapigilan ang galit ko at nasuntok ko na ang lalaking nasa harapan ko, magkabilang mukha niya ang sinuntok ko dahilan para bumulagta siya. Kulang pa yan sa pambabastos niya kay Fea.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Novela JuvenilIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...