Bad side

177 14 0
                                    

Naglalakad lang ako ngayon di ko alam kung saan ako pupunta ayaw ko pa kasing umuwi,
tama si kuya simula nung mapalapit ako kina Andrew marami na akong nagawa na noon ay di ko inakalang magagawa ko.
Tulad ng pagsali sa isang fashion show, pag gala kahit saan at higit sa lahat ang pagtawa mo na halos wala ng bukas, yung mga biro nila na dahilan para sumakit ang tyan mo kakatawa.
Yun bang alam mong may malalapitan ka at masasandalan sa oras ng problema .

Sa kanila ko unang naranasan ang lahat ng yun mas lalo nagkakulay ang buhay ko dahil sa kanila, hindi ko inakalang tatanggapin nila ang isang tulad kong loner at relihiyosa.
Ngunit sa di malamang dahilan kailangan ko silang layuan pag naiisip ko palang na layuan sila na iiyak na naman ako.

Ni minsan di ko sinuway si kuya Ryan, ayaw ko man na layuan sila hindi ko rin gugustohing magkalamat ang relasyon naming magkapatid. Walang ibang iniisip si kuya kundi ang kabutihan ko hindi man niya masabi sakin ang kanyang dahilan alam ko balang araw ipapaintindi niya rin sakin yun.

Dahil sa malalim kong pag iisip nakita ko nalang ang sarili kong nasa harap na ng simbahan namin, pumasok na din ako sa loob dito rin kasi ako madalas pumupunta pag may mabigat akong nararamdaman wala naman kasi akong masyadong masabihan noon, nung di pa dumating si kath at Ziah sa buhay ko. Mas nakakagaan kasi sa loob pag may masasabihan ka lalo na pag kay God mo sinabi lahat ang sarap sa feelings .

Lumuhod ako sa harap ng simbahan, nagdasal at kumanta ng paborito kong Hillsong.

Into your hands i commit again
with all i am to you Lord
I walk with you whenever you go
through tears and joy i trust in you
Jesus i believe in you
Jesus i belong to you
Your the reason that i live
the reason that i sing with all i am.

Matagal pa akong nakaluhod, nakikipag usap sa Dios, para akong isang bata na nag kikwento sa magulang niya tungkol sa mga nangyari sa kanya. Alam ko naman na walang natatago sa Dios alam niya lahat ng nangyayari sa buhay natin, kung ano ang nasa isip at puso natin pero ganito talaga ako lahat kinikwento ko sa kanya.

Nagdasal pa ako ulit saka ako umalis ng simbahan. Protestant ang tawag saming mga hindi katoliko pero Christian pa rin kung iturin, wala naman akong problema sa mga religion dahil iisa lang naman ang ating Dios na pinaniniwalaan.

Bago ako umalis nag paalam muna ako sa Pastor namin si Pastor Santos.
Habang papauwi ako pakiramdam ko may sumusunod at tumitingin sakin, kinakabahan ako pero di ako nagpahalata ng nasa daan ako na walang masyadong tao tumakbo ako ng mabilis papunta sa may mga taong dumadaan, dahil sa nililingon ko kung sumusunod pa ba yung taong sumusunod sakin ay may nabangga ako.

"Ayy, naku po sorry sorry " pagpapaumanhin ko " Felix!? " sabi ko ng makita ko ang mukha ng nakabangga ko.

" Fate anong ginagawa mo dito? Saka bakit parang hingal na hingal ka ata?? " tanong niya sakin.

"Ahhh.. kasi pakiramdam ko may sumusunod sakin " sagot ko.

Tumingin naman si Felix sa paligid namin,
sa tingin ko hinahanap niya yung taong sumusunod sakin.

" Uuwi ka na ba? " tanong niya sakin.

" Oo pauwi na ako " sagot ko.

" Tara hatid na kita ! Baka nakasunod pa yun sayo, at baka ma pano ka pa! " sabi niya sabay kuha sa libro na hawak ko at sabay hawak sa balikat ko.

Naglakad lang kami ni Felix medyo malapit lapit na din kasi ang bahay namin dito .

"Totoo bang ayaw ni Ryan na sumasama ka samin?" tanong niya.

Tumango lang ako ! " Felix kilala mo ba kung sino yung mga Burning Blue Fire? " pagtatanong ko. Hindi naman kasi mawala sa isip ko ang dalawang lalaking sinasaktan kanina.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon