Issue

148 15 3
                                    

Sa pagkasabi nun ni Ma'am gomez bigla akong kinabahan, makikita nila ang ginawa ni Travis! Kung ano ang inamin niya sa lahat ng Paano si Felix!? Siguradong masasaktan siya. Anong gagawin ko?? Pag uusapan na naman ako ng buong campus tpag nalaman nila ito! Pero mas nag aalala ako sa mararamdaman ni Felix. Lord tulungan niyo po ako.

" Thank you Mr. Lee and Ms. Bagus, pwede na kayong bumalik sa kinauupuan niyo at ng maipanood na natin sa mga kaklase niyo ang performance niyo sa National Composition Contest." Sabi ni ma'am Gomez.

" Ms. Bagus! May sasabihin ka pa ba?" Tanong niya sa akin. Umiling lang ako, saka ako umupo sa tabi ni Felix.

" Ma'am! Ipe perform nalang kaya namin sa harap" sabi ko.

" its ok Ms. Bagus, Sobrang kinilig ako sa performance niyo kaya gusto ko ring ipakita sa kanila." Sagot niya.

Hayyss.. kung alam mo lang ma'am! Sobrang kinakabahan ako ngayon. Habang nanonood sila ng video, hinawakan ko lang ang kamay ni Felix, kahit sa ganitong paraan maramdaman niyang hindi ko ginusto lahat ng yun!

Yung iba naming kaklase nag simula ng mag react! Pati ang mga kaibigan ko hindi ko maipaliwanag ang pagkagulat nila. Samantalang si Travis naman, tahimik lang siya habang nanonood. Andun na sa part na sinabi ni Travis na Gusto niya ako! Mas lalo ko namang hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Felix.

Yung mga iba naming kaklase iba na kung makatingin sa akin. Malapit ng matapos ang video, andun na sila sa part kung saan hinalikan ako ni Travis sa noo. Pagkatapos ng video! Bigla namang tumayo si Felix papunta kay Travis agad naman siyang hinarangan ni Kaden.

" Kuya!! " Sabi ni kaden. Lumapit din ako kay Felix sabay hawak sa kanya.

" Felix hayaan mo akong magpaliwanag!! " sabi ko, ang lamig na ng kamay ko ngayon. Di ko alam kung ano ang na sa isip ni Felix ngayon.

Tiningnan niya lang kami ni kaden sabay ngiti at sabay na ginulo ang buhok namin. Saka siya nag patuloy na lumapit kay Travis, tinapik niya ng dalawang beses si Travis sa balikat saka siya lumabas ng classroom.

" Mr.Gomboa where are you Going? Hindi pa tapos ang klase ko." Tawag sa kaniya ni Ma'am Gomez pero hindi na siya lumingon.

Susundan ko na sana si Felix ng bigla akong tinawag ni Ma'am Gomez.

" Ms. Bagus! Pwede ba naming malaman kung kayo na ni Travis.? Kung sinagot mo na siya?? " Nakangiting tanong ni Ma'am, hindi ko maintindihan kung bakit excited si ma'am na malaman yun.

" May Boyfriend na po ako ma'am" sabi ko.

" So sinagot mo na siya ?" Tanong niya ulit ng nakangiti.

" Hindi po kami ma'am!! Opo may boyfriend po ako pero hindi si Travis" sagot ko.

" Kung hindi si Mr. Lee sino? " nagtataka niyang tanong.

" Si Felix Anthony Gamboa po ma'am ." Sagot ko.

" Oh my! Kaya ba nag walk out si Felix? Naku sorry! Hindi ko alam! Hindi ko na sana pinanood to sa inyo!" Sabi ni ma'am.

" Wala pong meaning ang video na yan maam gomez pinagawa lang po yan sa akin bilang technic para manalo kami" sabat ni Travis, kita ko naman ang pagkawala ng tensiyon sa mga kaklase ko.

" Ah ganun ba? I'm sorry i thought you have a relationahip with each other, ang galing niyong umarte eh" sabi ni ma'am Gomez.

" Ok lang po ma'am! Pwede ko po bang sundan si Felix.?" Tanong ko.

" Sure! You can go! Tell felix my apology " sabi niya tumango lang ako saka ako tumakbo papalabas.

Nakita ko si Felix sa rooftop nakatayo siya habang tumitingin sa ibaba. Madalas siyang pumupunta dito kaya dito ko na pag desisyonan na pumunta. Nagbabakasakaling nandito din siya.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon