Please Stay

100 5 0
                                    

FATE POV

Its Friday morning sobrang aga kong nagising ngayon. Pero hindi para maagang makapasok sa school kundi para may time pa akong kumain ng niluto ni daddy. Masayang masaya lang talaga ako at andito na naman sila ni mommy. Medyo na tagalan sila sa canada dahil dalawang branch ng business namin dun ang pinatayo nila.

"Good morning my beautiful princess" Sabi ni Daddy David sabay halik sa akin sa noo.

" Good morning Daddy" Bati ko rin sabay halik sa kanya.

" Good morning din pretty mommy" Sabi ko sabay akap kay mommy Faye.

" Ang aga naman ng Prinsesa kong nagising" Sabi ni Dad.

" Hayss here we go again!!" Sabi ni Kuya Ryan.

" She's not baby anymore dad! Stop calling her princess" Sabi pa niya.

" How many times i told you she will always be my princess Kurt Ryan" Sabi nito habang ginigulo ang buhok ni kuya.

" Don't you worry my son you will always be my Prince" Sabi no Mommy sabay halik sa noo ni kuya.

" Mom!! Stop it di na ako bata" Niirita niyang sabi.

" Wala na binata na talaga tung anak mo ling!" Sabi ni mommy kay daddy.

Agad tinapos ni kuya ang kinakain niya saka nagpaalam kila mommy

" Engot tara na!" Tawag ni kuya.

Bumuntong hininga ako saka siya sinagot.

" Oo susunod na po!"

Tatlong araw na rin akong hindi sinusundo ni Travis. Pati sa room madalang nalang kaming nagkakausap. Tapos sa hindi ko malamang dahilan pati ibang boys sa grupo namin hindi na rin namin nakakasama.

Lagi nilang dahilan ay busy raw sila. Si kuya nalang yung lalaking kabilang sa tropa na nakakausap ko pa.

" Kuya!"

" Hmm?" Sabi niya habang naka focus pa rin sa pagmamaneho.

"Alam mo ba ang dahilan kung bat parang nilalayuan na ako ni Travis?" Tanong ko.

" Hindi!! Saka wag mo ng isipin yun. Buti nga yun hindi ka na niya ginugulo" Sagot niya.

" Kuya naman!" Nakapout kong sabi.

" Fea wag ka munang makipag relasyon. Focus ka nalang muna sa pag aaral mo" Sabi niya ulit.

" Makapag salita ka sa akin, eh dalawang taon lang naman tanda mo sa akin" Sabi ko.

" Pero mas matanda pa rin ako sayo, kaya makinig ka sa mga payo ko sayo" Sabi niya.

Hindi ko na siya sinagot at napabuntong hininga nalang.

Travis!! Ano bang nangyayari sayo??

Pagdating ko sa school andun na lahat ng kaibigan kong babae. Eto ata yung unang beses na wala ingay na naganap sa amin. Tahimik lang kaming lahat para bang lahat kami ay bad mood.

Dumating sila Travis kasama ang mga lalaki naming kaibigan pero tahimik lang din sila. Ni hindi ako binati nila Andrew, dati naman halos mag unahan silang batiin ako at ngayon hindi umupo si Travis sa tabi ko.

Iniisip ko nalang na baka may gumugulo lang sa isipan nila. Lalo na at maraming kalaban ang Burning Blue Fire.

Natapos ang school na napaka tahimik ng lahat ng mga kaibigan ko. Ni wala man lang nag tangkang magsira ng katahimikan.

Sa ganitong oras naghahabulan na sana kami papuntang canteen para sabay mag lunch. Pero ngayon naka upo lang kaming lahat.

Nagkatinginan kami ni Kaden at nakita ko sa kanyang expression ang pagtatanong kung anong nangyayari. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang nangyayari.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon