Defending Him

100 6 0
                                    

Agad lumingon si Travis sa likuran niya pero huli na.

Malapit na ang kotse sa kanya...

" Travisss!!" Malakas na sigaw ko nang may biglang humila sa kanya palayo sa daan. Pareho silang natumba sa damuhan.

Pagdaan ng kotse sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang tatlong mga babae. Nakaitim sila ng damit at hindi masyadong makita ang mukha nila dahil sa cap na suot nila.

Nagsitayuan ang balahibo ko ng biglang ngumisi sa akin ang isa sa kanila. Mabilis ang mga pangyayari agad na silang nawala sa paningin ko. Sakay ng kotse nila papalayo sa lugar kung saan may muntik na silang masagasaan.

Agad kong ibinalik ang atensiyon ko kila Travis at sa lalaking tumulong sa kanya.

Nakatayo na si Travis at tinutulungan ang lalaking humila sa kanya kanina para makatayo rin.

" Felix" Mahina kong sabi.

Kita ko ring tumatakbo na sina Mark, Kuya Ryan at Andrew sa kinaroroonan nila Travis.

Aakmang tatakbo na rin ako papunta sa kanila ng hinawakan ako ni Gray.

" Bestfriend hintayin nalang natin silang makarating dito. Dapat na tayong pumasok baka nasa paligid pa ang mga may gawa nito" Seryoso niyang sabi hindi na rin ako nakipagtalo.

Nang makalapit na sa amin si Travis na inaalalayan nina Kuya at Andrew ay agad na akong lumapit sa kanya.

" Ayos lang ako" Agad niyang sabi.

Mahina ko siyang pinalo sa dibdib niya.

" Muntik ka ng masagasaan! Tapos sasabihin mo ayos ka lang." Sabi ko. Hindi ko na rin mapigilan na di maluha.

Agad niya akong hinila saka ako niyakap.

" Please wag ka ng umiyak hindi ako ayos pag nakikita kang ganyan." Sabi niya.

Hindi na ako sumagot pinunasan ko nalang luha ko.

" Salamat Felix" Sabi ni Travis.

" Kuya Felix?" Napalingon kami kay Kaden na nasa likuran na namin kasama ang lahat ng kaibigan namin.

" Buti nalang nakita mo si Travis Lix" Sabi ni Andrew kay Felix.

" Gawain na naman natin yun dati pa ang sagipin ang isat isa" Nakangiti niyang sabi.

" Nandito lang talaga ako para sana alamin kung nandito ba si Kaden dahil hindi siya nagpaalam kila mom at hindi siya ma contact" Sabi ni Felix.

" Lowbat ang phone ko sorry" Paliwanag ni Kaden.

" Nakatulong pa ang hindi mo pagpapaalam Kaden huh!" Sabi ni Gray.

" May alam ka tungkol sa serpent diba? " Seryosong tanong ni Kuya Ryan kay Felix.

" May pinagduduhan na ako pero hindi ko pa sigurado." Sagot ni Felix.

" Hindi ko ba isa sa kanila?" Ulit na tanong ni kuya.

" Sa tingin mo magagawa ko yun sa inyo?" Balik na tanong ni Felix.

Hindi umimik si Kuya.

" Sige mauna na ako. Kaden sa susunod magpaalam ka. " Sabi niya, tiningnan niya ako saglit saka siya pumunta sa kotse niya.

" Wag kayong mag alala pag napatunayan kong tama ang hinala ko sasabihin ko rin sa inyo." Huli niyang sinabi saka pinaharurot ang kotse.

" Moo bakit mo naman yun sinabi sa tao?" Sabi ni ate Love.

" Kung wala siyang tinatago wala siyang dapat ika offend" Sagot ni Kuya.

" Saka diba dapat nasa america siya bakit siya andito? " Dagdag pa ni Kuya.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon