Pagkatapos ng naming mag perform sa drama namin ay sobrang kabado kami sa magiging resulta. Lahat naman kasi kami naghahangad na sana manalo dahil exempted ang mananalo sa examination sa Filipino.
" Ok class, I'm so glad na talagang pinaghandaan niyo ang dramang ginawa niyo kanina" Sabi ni ma'am Gomez.
Halos lahat favorite teacher si Ma'am Gomez ang ganda at bait kasi niya. Marami ding may crush sa kanya kasi dalaga pa siya.
" You don't need to worry! Dahil lahat kayo ay magkakaroon ng matataas na grades." Dagdag niya.
" Lahat kayo ay magagaling but i need to choose one group only so bago ko sabihin kung sino ang nanalo i will announce kung sino ang Best Actor and Best Actress natin"
" Yuhoo. Si Fate na yan! " Sigaw ni Mark.
" Oo nga uwian na may nanalo na" Sabi ni Travis.
" Our best actress is--- "
" Fate Bagus " Sigaw ng mga kagrupo ko.
" Si Fate na yan" pahabol na cheer ni Ziah.
" Our best Actress is Lewisa Alfea Fate Bagus" masayang sabi ni ma'am.
Halos ma bingi naman ako sa sigawan ng mga kagrupo ko habang tumatalon talon pa. Agad na pumunta si Gray kay ma'am at kinuha ang Certificate ko.
" Hoyy Gray hindi naman para sayo yan! " Sigaw ni Andrew.
" Ah.. hindi ba??" Tanong ni Gray.
" Hindi " Sagot naming lahat.
" Ibibigay ko lang naman kay Fate to eh" Dahilan niya. Nag si tawanan naman ang lahat dahil sa biro ni Gray.
" Okay! Let me announce who is our Best Actor." Sabi ni ma'am Gomez na natatawa pa rin dahil sa ginawa ni Gray kanina.
" And our Best Actor is... Travis Lawrence Lee "
Pagkarinig namin nun ay nag sitalunan kaming lahat masaya akong nakuha ni Travis ang award na yun.
" Wag na nating patagalin and our winner for our drama presentation is the Group of .......... Travis." Sabay bigay samin ni ma'am ng trophy.
Mas lalo naman kaming umingay, first time ko atang naging hyper ngayon sa school. Masayang masaya lang kasi kami dahil worth it yung mga effort namin.
" Congrats Trav " Nakangiting sabi ni Tricia. Sabay apir nilang dalawa.
" Thanks Tric " Sagot ni Travis.
Pagkatapos ng klase namin napag desisyonan nilang mag bonding muna sa plaza. Sabay Celebration na rin daw sa pagka panalo namin.
Naupo kaming lahat sa damuhan nagkantahan sina Mark, Ziah at Kath habang si Andrew naman yung guitarist nila.
Nakita nila akong medyo tahimik kaya nilapitan naman ako nina Travis at Gray.
" Na O.P ka ba Fate??" Tanong ni Gray sa akin.
" Huh? Hindi naman " nakangiti kong Sagot.
"Ba't di ka makipag kantahan sa kanila?" Tanong ni Travis.
"Hindi ako masyadong Familiar sa mga kinakanta nila" sagot ko.
" Ano bang mga kanta na gusto mo? " tanong ni Gray.
" Mahilig ako sa God songs, Opm saka korean medyo." Sabi ko.
" Uyy,, Korean Trav oh! Baka alam mo yung kanta" Sabi ni Gray.
" Ano bang title?? " Tanong bi Travis.
" Marami pero yung pinaka Favorite ko yung Love is not over " sagot ko.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...