A/N
Hi Purples💜
Sunod sunod na pag uupdate ko, please vote my story po salamat Purples💜🥰 GOD BLESS🤍Travis POV
Pagkalabas ng nurse ay ipinikit ko na rin ang mga mata ko. Inihiga ko ang ulo ko sa ibabaw ng ulo ni Fea na mahimbing pa ring natutulog malapit sa dibdib ko. Yung totoo medyo kinakabahan ako at baka bigla nalang dumating si Ryan at makita kami sa ganitong pwesto. Baka mag agaw buhay ulit ako.
Inaantok na ako siguro dala na rin ng gamot na pinainom sa akin ng Nurse kanina pero ayaw kong ipikit ang mga mata ko. Natatakot ako na baka pagpinikit ko ang mga mata ko ay biglang magbago ang lahat sa pagmulat ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Una naaalala na ako ni Fea pangalawa mahal niya ako. Masyadong perpekto sa paningin ko. Natatakot aking baka panaginip lang ang lahat ng ito.
Hindi ako natatakot masaktan. Natatakot lang akong sampalin ulit ng realidad na hindi sa akin ang babaeng mahal ko.
➖➖➖
FlashBack
Nasa rooftop ako ngayon malapit ng maghapon kaya binibilisan ko ang paggawa ng desinyo sa surprise ni Felix para kay Fea. Nakakatawa hindi ba? Isang badboy na leader ng isang gang gagawa ng ganito. Well i just want to make her happy. Masyadong madaming paghihirap ang pinagdaanan niya this past few days. Simula nung nangyari sa lumang mansion ay hindi pa niya kami kinausap. Alam kong nasaktan siya and i understand her. Kahit sino naman siguro masasaktan kung malalaman mong may itinatago pala ang mga kaibigan mo sayo.
Humingi sa akin si Felix ng tulong para supresahin si Fea. Nung una nagdalawang isip ako sino ba namang matinong lalake ang mag eeffort para sa babaeng mahal niya at sa mahal nito! Syempre ako.
Wala akong galit kay felix like a said its his fault kung siya ang mahal ni Fea. Basta ba hindi niya lang ulit sasaktan si Fea. Kaya kong maging masaya para sa kanila pero hindi ko kakayanin pag nasaktan ulit siya.
Nakangiti akong pinagmasdan silang sumasayaw. Yung ngiting may halong buntong hininga. Masaya ako kasi masaya siya pero malungkot din ako kasi sana ako nalang ang kasama niya.
➖➖➖
Birthday ngayon ni Kaden tulad ni Kurt ayaw ko sanang pumunta. Madalas sa ganitong social gathering puro ka plastikan lang naman. I mean hindi sa mga kaibigan ko kundi sa mga taong nakapalibot sa amin. Saka kaibigan ko na rin si Kaden kaya ayaw kong malungkot siya kung may kulang sa mga kaibigan niya. Ayus lang dahil ang pinartner nila sa akin ay si Tricia sure akong si Felix nagsabi nun sa kanya. Alam kasi ni Felix na hindi ko hilig ang i partner sa kaninong babae lalo na sa mga flirty. Si Tricia wala akong problema sa kanya pinsan ko siya at introvert din kaya kami nagkakasundo.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...