Sabado ngayon at maaga palang ay nandito na si Travis sa bahay. Ewan ko ba at anong pumasok sa utak ng kapatid kong to at talagang pinapahirapan niya si Travis. Hindi ko rin maitindihan tung si Travis at pumapayag naman. Ibang iba sa Travis na kahit sinong bumangga siguradong aangasan niya.
Nakaupo ako ngayon habang tinitingnan si Travis na naglilinis ng kotse ni kuya.
" Gusto mo tulungan kita!?" Sabi ko.
" I'm fine Fea!" Sagot niya.
" Hindi ka pa tapos? Pakibilisan may pupuntahan pa ako" Sabi ni kuya habang nag pupunas ng katawan niya. Kanina pa kasi siya nag fefeeling senyorito at naliligo sa swimming pool.
" Kuya tumigil ka na nga!" Sabi ko.
" Wala pa nga yan sa kalingkingan ng mga pinagagawa sa akin ni Tito Karlos ng ligawan ko si Kyesha" Sabi ni Kuya.
" Kaya ka gumaganti sa akin" Sabi ni Travis.
" May sinasabi ka?" Tanong ni Kuya.
" Wala tatapusin ko na to boss." Sagot ni Travis.
" Good, magbibihis na ako. Pagbaba ko dapat tapos ka na." Sabi ni Kuya.
" Share mo lang?" Sagot ni Travis.
" Ano?" Tanong ni kuya sabay lingon.
" Yes boss" Nakangiting sabi ni Travis.
" Tulungan na kasi kita." Pagpresenta ko.
" Ayos lang Fea. Kaya ko nga to ginagawa para sayo. " Sabi niya.
" Hindi na naman kasi kailangan"
" But i want to do this! Masaya akong mahirapan para sayo." Nakangiti niyang sabi.
" Baliw" Natatawa kong sabi.
"Sayo" Sagot niya sabay kindat.
Kita sa kanya na napapagod na siya biruin mo mag tatanghali na kanina pa siya gumagawa ng mga pinag uutos ni kuya.
Pinaglinis siya ni kuya ng buong bahay, pinagpalinis ng swimming pool at ngayon kotse. Medyo na iinis na ako kay Kuya ang harsh niya kay Travis.
Habang nakaupo ako ay may maganda akong idea na naisip.
Agad kong hinahanap ang number niya sa contacts ko.
" Hello Tito Karlos? Kamusta po? Ahh nasa bahay kayo ngayon? Alam niyo si kuya wala siyang ginagawa ngayon siya nalang po palinisin niyo sa kotse niyo. Para naman po makapagpahinga kayo. Sige po tito ingat po kayo lagi babye." Pagkatapos kung makausap si tito ay agad ko ring binaba.
Kita ko si kuya Ryan na papunta sa kinaroonan namin. Nakakunot ang noo niya habang may kausap sa phone.
" Takte! Takte talaga!! Kainis.." Paulit ulit na sabi ni kuya.
Napatigil si Travis sa paglilinis ng kotse at nagtatakang tiningnan si Kuya.
" What happened?'" Tanong nito.
" Lintek! Tama na yan! I need to go" Sagot ni Kuya.
" Saan naman?" Nagtataka pa ring tanong ni Travis.
" Kila Kyesha pinapatawag ako ng Daddy niya. Takte!!" Inis na sagot ni Kuya.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nagpipigil ng ngiti.
" Bye kuya ingat!" Hindi na niya ako sinagot at mabilis na pinaharurot ang kotse niya.
Maypagtataka pa ring umupo si Travis sa tabi ko.
" Bat siya badtrip? Eh kila Kyesha naman siya pupunta." Tanong nito.
Sa unang pagkakataon si Travis ang inosente sa aming dalawa ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...