Tinanghali na ako ng gising ngayon, wala naman kasing dapat agahan, sabado ngayon kaya gusto ko lang matulog buong araw kaso ginising na ako ni nanay Tising para kumain.
Lagi niya kasing sinasabi sakin na dapat lagi kaming sabay kumain nina mommy at daddy dahil minsan lang sila dito sa bahay .
Di naman mawaglit sa isip ko ang napanaginipan ko ngayon isang batang babae at lalake ang nasa panaginip ko ang saya nilang dalawa hanggang sa biglang umiyak yung batang lalake habang hinahawakan ang batang babae na duguan! Ang weird naman nun, sino kaya yung dalawang batang yun? Siguro nabuo ko lang yun dahil sa mga pinanonood kong movies.Nang palabas na ako sa kwarto ko na amoy ko ang niluluto sa kusina kaya dali dali akong bumaba sa hagdan,
"Goodmorning maganda kong anak" bati sakin ni daddy David.
"Anak nag luto si daddy mo ng paborito mong afritada at sinigang na bangus kain kana" nakangiting sabi ni mommy fey habang nag aayos na pagkakainan namin. Sa kanila ko nakuha ang pagkahilig ng sabaw kahit breakfast.
"Talaga ba mommy ? Yeheyyy salamat daddy love mo talaga ako" masaya kong sabi habang niyayakap si daddy David.
"Uyyy bakit kayo lang ?" Sabi ni mommy with tampo mood.
"Hahaha syempre kasali din ang maganda kong asawa " sabi ni daddy habang niyayakap si mommy.
"Yiieee sweet naman ng parents ko " ngiti kong sabi habang nakayakap sa kanilang dalawa.
"Oh siya kain na kayo lalamig na tung pagkain " sabi ni nanay Tising.
Sobrang dami ng nakain ko ngayon paborito ko kasi lahat ng niluto ni daddy .
Pagkatapos naming kumain nag presenta na akong maghugas ng pinggan ,
Pagkatapos kong maghugas naligo na rin ako , napag isipan ko ding mag jogging sa plaza ng subdivision namin at mamasyal na rin, wala naman kasi akong magawa sa bahay nag paalam na rin kasi sina mommy na pupunta sa fishing company namin.Nang nasa plaza na ako umupo muna ako sa tabi ng nag bebenta ng fishball , naglaway ako kaya bumili na rin ako sinamahan ko na rin ng isaw.
apakakaraming tao kasing namamasyal dito kaya, yung mga nag titinda ng street foods at iba pa pinayagan ng magtinda dito.
Habang kumakain ako ng isaw at nakikinig ng music ay bigla akong napasigaw ng may nanggulat sa akin sa likuran ako .
" Waahhh!! naman eh! ikaw lang pala" inis kong sabi habang siya tawang tawa.
"Nakakatawa talaga yung reaksiyon mo kanina " sabi niya habang pinipigilan ang tawa niya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...