Hindi ko alam na alam din pala ni Tricia ang lugar na to! Mas malapit pa pala sila sa isa't isa kesa sa inaakala ko.
Pagkatapos nilang magyakapan ay hinawakan pa ni Tricia ang sugat na nasa bandang noo ni Travis.
Lumapit siya sa akin at niyakap din ako,
" Fate! Ayos ka lang ba? " tanong niya sa akin, habang yakap yakap ako. Medyo na bigla ako sa pag yakap niya sa akin dahil hindi naman kami malapit sa isat isa.
" Ah, Oo ayos lang ako! " sagot ko sa kanya.
Inaya niya kami ni Mia sa loob, habang nag pa iwan naman sina Travis at ang mga kasamahan niya.
Dumiretso na kami sa isang kwarto kung saan napaka raming higaan.
" Dito muna kayo mag papahinga! Pati na rin sina kaden pag dumating na sila." Sabi ni Tricia.
" Salamat ate Tric " sabi ni Mia.
" iwan ko muna kayo sandali at ikukuha ko kayo nang pagkain" sabi niya ulit.
" Sige salamat " sagot ko, sabay ngiti.
Tahimik na tao si Tricia sa room, madalas si Travis lang ang kausap niya kaya nga lagi silang napag uusapan na may relasyon.
Unang beses ata to na nag usap kami ng medyo mahaba. Bumalik si Tricia na may dalang pagkain at damit.
" Eto fate oh! Hiramin mo muna tung damit ko, wala pa kasi sina Ryan. Para makapagpalit ka naman." Sabi niya sa akin.
" Salamat talaga sa tulong mo Tricia " sagot ko.
" Walang anuman yun! Sino pa ba ang magtutulungan kung di tayo lang din naman" sabi niya.
Tapos na kaming kumain at nagpahinga na si Mia Pagkatapos niyang magpalit ng damit na dala niya. Hindi naman ako iniwan ni Tricia at nandito lang din siya sa kwarto kasama namin.
" Sobrang napagod talaga si Mia sa mga nangyari kanina" sabi ni Tricia.
" Oo nga eh! Naaawa ako sa kanya, pati siya nadadamay." Sagot ko.
" Ilang beses na tung nangyari na nadamay siya, kaya alam niya na rin ang dapat niyang gawin pag nagkakaganito" sagot niya.
" Kilala ko si Travis hindi siya titigil hanggang di na paghihigantihan ang mga gumawa nito sa inyo" base sa pagsasalita niya ay talagang kilala na niya si Travis.
" Matagal na ba kayong magkakilala ni Travis?? " tanong ko. Dahilan para sumeryoso ang mukha niya.
" Oo, elementary pa lang kami kilala ko na siya pero di kami same nang school, lagi kasi kaming pumupunta sa bahay nila kaya ayun naging close kami" sagot niya sabay ngiti.
Naisip ko tuloy na simula bata din naman kaming magkakilala ni Travis, pero bakit ganun? Lumaki kaming mag kaaway.
" Fate? Ayos ka lang?? " tanong ni Tricia ng makita niyang malayo ang iniisip ko.
" Ah oo, " sagot ko, " may itatanong lang sana ako" dagdag kong sabi.
" Ano yun? " tanong niya.
" May alam ka ba kay Isa? Yung kaibigan ni Travis na namatay?" Tanong ko.
" Ahhh, si Isa? Hindi ko talaga siya ganun ka kilala pero sa pagkakaalam ko First love siya ni Travis. Magkaibigan sina Jeron, Isa at Travis noon pero dahil sa pagtangkang pag kidnapped sa kanila namatay si Isa." Sabi niya.
Ngayon ko lang nalaman na may Isa pala sa buhay ni Travis, sobrang mahal na mahal niya siguro si Isa.
" Si Isa ang dahilan kung bat ang laki ng galit ni Jeron kay Travis, dahil hanggang ngayon si Travis parin ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Isa." Dagdag niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...