Kapalaran ko na ba talaga ang masaktan lagi?
Sa totoo lang hindi ko ma imagine ang buhay ko ng wala si Travis at wala ang mga kaibigan ko.
Pero pagkatapos ng araw na to mas mabuti na sigurong lumayo ako.
Patuloy na umaagos ang luha ko habang papalapit na si Travis sa pinto.
Ngayon na hawak hawak na niya ang doorknob tanggap ko na. Tanggap ko ng totoo ang lahat ng sinabi niya kanina.
Unti unti na niyang binuksan ang pintuan.
Mapait akong ngumiti habang pinupunasan ang pisngi ko.
Huminga ako ng malalim.
Kung ito man ang huling pagkikita namin ni Travis gusto kong sabihin sa kanya ang salitang ito.
Kahit sa huling pagkakataon lang.
" Sandali!! " Rinig pa rin sa boses ko ang maliliit na hikbi na pinipigilan ko.
Napahinto siya sa paghakbang.
" Gusto ko lang na malaman mo na, Mahal na mahal kita Travis" Sabi ko saka tumalikod.
Ayaw kong makita ang tuluyang pag alis niya.
" Damn it! I can't do this guise I'm sorry" Rinig kong sabi niya.
Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.
Hinila niya ako paharap sa kanya. Nang masilayan ko ang mukha niya umiyak na ako ng umiyak.
" I'm sorry mylove" Sabi niya habang hinahalikan ang luhang pumapatak sa pisngi ko.
" Nasasaktan mo ako alam mo ba yun!?" Sabi ko.
" I'm sorry!! Please let explain" Sabi niya.
" Lets stop this plan! Di naman mag wowork to!!" Sabi ni Gray.
" I already told you hindi yan gagana" Sabi ni Kuya.
" Anong plan sinasabi mo moo?" Tanong ni Ate Love.
" Moo?? You mean hindi ka pa nakipag Break kay kyesha?" Tanong ni Andrew.
" I will never do that Drew! Minsan ng nawala sa akin si Kyesha hindi ko na papayagan pang maulit yun." Sabi ni kuya.
Nakita kong nag iiyakan na rin sina Mark at Kath.
Patuloy akong niyayakap ni Travis habang paulit ulit siyang nag sosorry.
" Ok guise care to explain? Kasi gulong gulo na ang braincells ko" Sabi ni Ziah.
" Ako na mag eexplain " Sabi ni Drew.
" Ganito kasi yan, marami kaming natatanggap na threat this past few weeks, and nananakot to na sasaktan nila kayo" Sabi niya.
" Base sa mga Threats makikitang kilala talaga nila tayo! Para bang nasusubaybayan nila lahat nga galaw natin. " Dagdag niya.
" Naisip ni Travis kung nasa paligid lang namin ang mga myembro ng serpent meaning makikita din nila kung lalayuan namin kayo" Sabi ni Kuya Ryan.
" Naging suggestion ko na deadmahin namin kayo. Kunwari di na namin kayo gustong kasama. Para makita nila at hindi na nila kayo guguluhin pa" Sabi ni Gray.
" Are you threatened because of them?" Tanong ni Ziah.
" No Zi were not! Para sa sarili namin hinding hindi kami matatakot. Pero para sa inyo iba yung pag aalala namin." Sabi ni Mark.
" Mahirap lumaban kung hindi mo pa kilala ang kalaban" Sabi ni Travis.
Kumawala siya sa pagkakayakap niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...