Arrange Marriage

169 14 0
                                    

Nakaupo lang kami ni travis sa gilid ng kalsada hinihintay si Benjie na makabalik.

"Trav! Masakit pa ba?? Baka kasi maubusan ka ng dugo! " tanong ko.

Natawa pa siya sa tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

"Bakit ba kung makipaglaban kayo ni Felix parang sanay na kayo" tanong ko.

" Di lang kasi kami gwapo palaban din ! Pero mas gwapo ako kay Felix ha " sagot niya sabay kindat.

"Tsk! Nasugatan ka na nga hambog ka pa rin " sabi ko naman.

Natawa lang siya " Tara na andyan na si Benjie " sabi niya habang nauna na siyang tumayo.

Sumunod lang ako sa kaniya! Magkatabi kaming umupo, habang nasa sasakyan kami ginamot ko muna ang sugat niya. Bumili kasi si Benjie ng first aid kit, takot na takot pa ako habang nilalagyan ng alcohol ang sugat niya pero parang wala lang sa kaniya! nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. Nang matapos na akong gamutin siya bigla naman siyang humiga sa balikat ko.

" Hayaan mo na muna akong makapagpahinga, remember nasaksak at nasugatan ako dahil sayo " pangkokonsensiya pa niya.

Hinayaan ko nalang din siyang makatulog sa balikat ko.

"Fea!! " Akala ko tulog na siya nang bigla niya akong tinawag.

" Bakit? " tipid kong tanong.

" Kantahan mo ako" lumingon ako sa kanya nung sinabi niya yun pero nanatili lang siyang nakayuko.

" Pede kasi- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinawak niya nga mahigpit ang kamay ko.

" Please... Yung sa aking puso" inaantok niyang sabi.

natahimik ako ng ilang minuto saka ako nag simulang kumanta.

Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo
Kahit kailanma'y hindi magbabago

Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa

Habang pipakinggan ko si Travis may kung ano akong nararamdaman, lumalakas ang pag kabog ng puso ko habang tiningnan ko siya at tinitingnan niya ako.

'Di ko nais na mawalay ka
Kahit sandali sa aking piling
Kahit buksan pa ang dibdib ko
Matatagpua'y larawan mo

Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa

Nang pinahinto na ni Benjie ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

Dahan dahan sana ako lalabas ng kotse. Nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ta-trav!!?" Gulat kong sabi.

" Baba ka na?? " tanong niya sakin habang niyayakap ako.

"Ah--eh Oo ! " nauutal kong sagot .

" Sige na mag iingat ka " sabi niya habang kumalas sa pagkakayakap sakin.

" Sige ingat ka rin ! " nuutal ko pa ring sabi.

Lalabas na sana ako ng bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko!

"Fea sandali! " sabi niya.

" Ba-bakit??" tanong ko.

" Yung kanina samin ni Tricia inutusan lang kami ni ma'am Gomez kaya kami nagkasabay saka babalikan naman talaga kita eh sorry! " paliwanag niya.

Tumango lang ako, hindi na naman dapat siya mag paliwanag sakin eh.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon