Travis POV
Gigil na gigil akong suntukin si Jeron pero hindi ko pa Pwedeng gawin.
Asan na ba kasi sina Felix bakit di pa sila lumalabas.Hindi ko namang mapigilang maawa kay Fea dahil sa amin kaya siya napahamak.
Alam kong nasasaktan siya ngayon lalo na sa mga nalaman niya,
Alam kong madami kaming dapat ipaliwanag sa kaniya." Ano handa na ba kayong makita kung anong gagawin ko sa Prinsesa niyo!" Nakangising Sabi ni Jeron.
Nang gigigil na talaga ako sa mukha ng mokong na to.
Kumuha siya ng isang kahoy na upuan, alam ko naman kung ano ang binabalak niya. Ang gasgas na nang plano niya hindi man lang siya nag isip ng bago.
" Gusto ko lang makita kung masisira ba ang upuan na to kung ipapalo ko kay Fate " Nakangisi niyang sabi.
" Subukan mo lang Jeron, Babaliin ko yang mga buto mo " Galit na sabi ni Kurt Ryan susugurin niya sana si Jeron kaso may naka hawak sa kaniyang dalawang mokong.
" Eh di subukan! " sabi ni Jeron sabay palo ng upuan kaso nakatakbo ako at nasangga ko ang upuan na ipapalo niya sana kay Alfea, sobrang sakit ng katawan ko pero napangiti pa ako ng makita ko si Fea na nanginginig habang niyayakap ako kahit kailan talaga ang inosente niya.
Tamang tama na lumabas na sina Felix sa pinatataguan nila agad namang binalibag ni Ryan ang dalawang nakahawak sa kaniya.
Napatumba naman agad ni Love ang dalawang bantay sa pintuan gamit ang pampalo.
Pinagkatiwala ko muna sa kaniya si Alfea para dalhin sa safety na lugar.
Gigil na gigil naman si Andrew na suntukin ang mga alipores na Jeron.
Iniwan ko na sila sa loob alam ko kasing kaya na nilang labanan ang mga tauhan ni Jeron.Kailangan kong maabutan si Jeron agad kasing tumakbo yung mokong kahit kailan bahag talaga ang buntot nun.
"Travis san ka pupunta ha?? " sigaw ni Rena.
" I hate you na talaga! Kahit kailan sagabal ka sa mga plano ko! Kaya hindi ka pwede umalis ok! " inis at maarte niyang sabi habang tinututok ang isang patalim sakin.
Ayaw ko talagang pumatol ng babae eh pero wag niya akong piliting saktan siya, hindi siya ang gusto kong kalabanin kundi si Jeron.
" Hey Travis ! Don't make lapit at me or else i will use this knife to you. "
Bago pa ako makalapit sa kaniya ay nakita ko na siyang nakabulagta.
" Huli na ba ako?? Pinatulog ko na, ang arte ng bunganga eh!" Sabi ni Ziah.
" Hindi pa naman! Ikaw na bahala sa kaniya." Nakangiti kong Sabi habang tumatakbo.
Kahit kailan talaga amazona tong si Ziah.
Nakita ko naman si Jeron tumatakbo papunta sa kotse niya.
Nahawakan ko naman agad siya sa balikat niya." Saan ka pupunta magtutuos pa tayo " sabi ko.
Susuntukin na sana niya ako sa mukha ng makailag ako.
Sinipa ko naman siya sa tiyan dahilan para makahiga siya.
bumunot naman siya ng kutsilyo tapos tinutok niya sakin, sasaksakin niya sana ako kaso nakailag naman ako, sinundan niya ng suntok kaya natamaan ang mukha ko.
Mas uminit naman ang ulo ko, walang pwedeng manuntok ng gwapo kong mukha. Sinipa ko ang hawak niyang kutsilyo saka ko siya hinawakan sa balikat at binalibag.Gusto ko siyang ulit uliting suntukin kaso may humawak sa balikat.
"Trav! Ibalato mo na to sakin" sabi ni Ryan.
Pumayag naman ako, alam kong kanina pa siya gigil na gigil kay Jeron.
Iniwan ko na sila dun, binalikan ko nalang sina Gray pagbalik ko dun wala na ang mga alipores ni Jeron.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...