FATE POV
" Engot gising na!" Rinig kong tawag sa akin ni kuya.
Gusto ko ng gumising kaso ramdam ko ang pagod ng katawan ko.
" Engot papasok ka ba o hindi" tanong ulit ni kuya.
" Kuya pagod pa ako! " sabi ko.
" Ang init mo ah! Nilalagnat ka ata! Wag ka na munang pumasok" sabi niya.
" Pero ang dami ko ng na missed" sabi ko.
" Its fine ako na gagawa ng project mo" sabi niya ulit.
" You should rest! Nandito naman sina Mommy at Daddy" dagdag niyang sabi.
" Ok sige ingat ka" sagot ko.
" Bye engot see you later" sabi niya sabay halik sa noo ko.
Paglabas ni kuya natulog na ako ulit. Masama talaga pakiramdam ko dahil siguro sa byahe.
Ginising ako ni mommy para kumain at uminom ng gamot pagkatapos nun nagpahinga na ulit ako. Sa pagod lang siguro to kaya kailangan ko talagang magpahinga.
Nagising ako alas 10 na ng umaga. Medyo maayos na ang pakiramdam ko kaya nag shower na ako.
Nag aayos na ako ng tinawag ako ni Nanay Tising.
" Lewisa may bisita ka! " sabi niya.
" Sino po nanay?" Tanong ko.
" Si Felix " sagot niya.
Nabigla ako sa sagot ni Nanay. Ano naman ang ginagawa niya rito. Dali dali na akong bumaba, nakita ko siya sa may sofa may hawak hawak na bulaklak at isang basket ng prutas.
" Bakit ka andito? " tanong ko.
" I just want to see you. Nabalitaan ko rin na sumama pakiramdam mo." Sabi niya sabay abot sa akin ng boque na hawak niya.
" Salamat " sabi ko.
" Gusto mo munang mag meryenda? " tanong ko.
" Sige " sagot niya.
Dinala ko siya sa kusina at pinag bake ko siya ng cupcake.
" Diba nilalagnat ka?" Nag aalala niyang tanong.
" Medyo masama lang pakiramdam ko kanina pero ayos na ako ngayon." Paliwanag ko.
" Baka mabinat ka" sabi niya ulit.
Nginitian ko siya.
" Ayos na talaga ako" pagsisigurado ko sa kanya.
Nang maluto na ang binake ko pinatikim ko agad sa kanya.
" Hmmm ang sarap!" Sabi niya.
" Talaga ba?" Sabi ko.
" Oo promise walang halong biro" sagot niya habang punong puno ang bibig.
" Sabi mo eh! Umupo ka rito at ng makakain ka ng maayos." Sabi ko.
Nilagyan ko siya ng juice sa baso niya at hinayaang kumain.
" Di ka kakain? " tanong niya.
" Busog pa ako. Kumain ka lang" sabi ko. Di ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya.
" Gosh Fate stop looking me like that" sabi niya.
" Bakit ba?" Natatawa kong sabi.
" Mabibilaukan ako ng wala sa oras" sabi niya.
" Hahahah ano pipikit ako ganun?" Tanong ko.
" Haysss fine" sabi niya.
" Pupunta na akong hacienda gamboa mamayang hapon. Dinalaw lang talaga kita para makasama" Serysoso niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Novela JuvenilIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...