Mr. & Ms. Intramurals

156 14 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa room namin napadaan ako sa room ng section 2 nasa labas sina Travis kasama ang mga Kaibigan niyang taga section 2 at kung di ako nagkakamali ay mga kasali din sa Blue fire.

Nakaupo lang si Travis habang humihithit pa rin ng sigarilyo niya, may mga babaeng umaaligid sa kanya yung isa nakaupo pa sa tabi niya. Tama nga sila hindi naging badboy si Travis ng dahil lang sa wala.

Tiningnan niya lang ako, saka niya inakbayan yung babaeng katabi niya. Dumiretso na ako sa paglalakad ayaw kong may makita pa akong SPG, virgin pa naman tung mga mata ko.

Pagdating ko sa room nakaupo silang apat sa isang lamesa habang kaharap ang mga pagkain,

" Hayss Finally youre here? Kanina ka pa namin hihintay nagugutom na ako" nakangiti sabi ni Kath.

" Hoy! Katherine Chan kahit ngayon lang wag ka ng lumamon, gusto mo bang rumampa dun ng parang buntis! " sabi naman ni Ziah dahilan para mag pout si Kath.

" Konti lang naman eh ! " Sagot niya.

" Naku naku ! Hindi pwede heto nalang kainin mo saging pampatalino. " sabi ni Ziah sabay abot ng saging kay kath.

" Halika na Fate kain na tayo! " Aya sa akin ni Ate Love.

" Ases ang bait naman ng Future Sister in law mo sayo Fate" biro ni kaden.

" Masaya nga ako kasi nagkabalikan sila ni kuya! Baka makatulong si Ate Love na tumino si kuya kahit konti" sagot ko.

Pagkatapos naming kumain ay inayosan na kaagad ni Twinkle si Kath siya kasi ni recommend ni tita Geniva kay Kath. Napaka ganda ni kath ngayon suot ang Jeans Attire niya. Napaka gandang tingnan ang mala cocacolang body niya.

Ewan ko ba, kahit lamon ng lamon tung si kath hindi naman tumataba.

" Ready ka na ba kath tara na baka ikaw nalang ang wala dun" sabi ni Ate Love.

" Teka! Asan nga ba ang partner nito? Asan si Travis??" Tanong ni Ziah.

" Baka nandun na yun tara na! " sabi naman ni kath.

Pagdating namin napakarami ng estudyante kahit san ako tumingin napaka raming banner na ang nakasulat ay para kay Travis. Gumawa naman kami ni kaden ng para kay Kath para naman mas lumakas ang loob niya. Alam ko naman na kaya niya, marami ng pageant na napanalunan si Kath kaya alam kong kaya niya rin to.

Magsisimula na ang pageant unang lumabas ang pambato ng 1st year saka ang 2nd year ang daming nagsisigawan, saka sabay na lumabas ang pambato ng 3rd at sina Kath at Travis mas dumagundong ang ingay lalo na ang mga babaeng sumisigaw ng pangalan ni Travis. Napakaganda ng rampa ni kath sabay flying kiss sa audience tinanggal naman ni Travis suot niyang Jacket Sabay hagis nito sa audience nag agawan naman yung mga babae para sa pagkuha ng jacket niya.

Pagkatapos nun ay may mga nag perform pang mga estudyanteng sumayaw saka pa ulit tinawag ang mga candidates para sa Talent portion. May mga sumayaw may mga nag pakita ng talent nila sa drawing, ang inaabangan naman namin ay ang ipapakitang talent ng pambato namin sa 4rth year kaya ng lumabas na si kath ay nag sigawan na kaming lahat. Nag declamation si kath tulad ng itinuro sa kanya ni Ziah ang Badgirl marami namang napahanga sa ipinakita ni kath. Mas lalong lumakas ang mga sigaw at tili ng mga babae ng si Travis na ang lumabas, may dala siyang gitara di ko na matandaan kung kailan ko siya huling nakita humawak ulit ng gitara.

" Magandang Gabi po sa lahat, ang kanta pong ito ay iniaalay ko sa inyong lahat" sabi niya dahilan para mag tililian ang mga babae.

Nagsimula na siyang mag gitara, napaka seryoso lang niya habang kinakalabit ang bawat kwerdas ng hawak niyang gitara.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon