(LewiLix) Lewisa & Felix

160 14 1
                                    

Magaling na ako mula sa mga sugat at pasa na nakuha ko mula sa Black Stallion.

Papasok na ako ngayon, tapos na akong kumain pinasabay naman ako ni kuya papunta sa school, pareho lang kaming tahimik sa sasakyan kung gano kami ka ingay sa tuwing nag pipikonan ganun naman kami ka Tahimik ngayon.

Pagdating namin sa school lumabas agad ako at nauna ng pumunta sa room.
Marami akong dapat habulin dahil sa tatlong raw na pag absent ko dahil sa nangyari.
Umupo ako malayo kina Gray hindi ko pa sila kayang kausapin, ngayon ko lang na experience na ang hirap palang mag tiwala ulit lalo na sa mga taong minsang ng sumira nito.
Kinamusta naman ako ni Ma'am Gomez at ang kantang kinocompose ko para sa contest ang lapit lapit na kasi ng contest tapos ako di pa ako nakapaghanda.

Gumawa nalang ako ng project, Free time naman kasi namin ngayon. Bumabawi rin ako sa mga na missed ko baka kasi maging 70 yung grades ko.
Malapit na ang uwian ng matapos ako, pinasa ko agad sa mga teachers ko ang mga ginawa kong projects, nakaramdam naman ako ng gutom pagkatapos kong gumawa.

Lumabas muna ako para bumali ng pagkain sa canteen.
Malayo palang ako kitang kita ko na ang mga babae at lalaking nakalinya na para bang may inaantay, dumiretso lang din ako parang wala pa naman yung taong hinihintay nila.

Laking gulat ko naman ng biglang ibinigay nung lalaki sakin ang isang rosas.

" Sorry! Nagkakamali ka ata ng binigyan! Hindi ako ang hinihintay niyo" sabi ko sabay sa uli sa kaniya ng rosas.

" Para sayo talaga yan Fate tanggapin mo" sagot niya sakin.

Tinanggap ko nalang din hanggang sa sumunod na silang lahat na ibigay sakin ang hawak hawak nilang rosas.
Nakita ko naman ang hawak hawak nina Kris,shane at Shai na may nakasulat na Fate Bagus I'm Sorry I Love You!
Nakita ko naman si Felix na lumabas na may dala dalang bouquet, lumapit siya sakin at ibinigay niya ang hawak niyang bouquet.

" Para sayo! " Nakangiti niyang sabi.

" Sa-Salamat" nauutal kong sabi "Bakit may paganito ka pa? " tanong ko.

" Paghingi ng sorry sayo! " nakangiti niyang sagot habang hinahawakan ang kamay ko at bigla niya akong niyakap.

" Fate I'm Sorry, sorry kung naglihim ako sayo! Alam ko minsan ka ng nasaktan dahil sakin at nasasaktan ka na naman ngayon at isa ako sa dahilan patawad " niyakap ko nalang siya pabalik.

Kahit nahihiya ako sa mga estudyanteng nakatingin sa amin ay kinaya ko, Gusto kong ipakita Kay Felix na kaya kong ipagmalaki sa lahat kung anong meron kami hindi na ako yung Fate na iiwasan siya sa maraming tao dahil sa magkaiba ang mundo namin, ibang iba ako sa kanila pero nasa isip ko lang ngayon ay kaming dalawa ni Felix gusto ko na lagi ko lang siyang napapasaya na kahit sa ganitong paraan mababawasan ko ang sakit na pinagdadaanan niya ngayon.

Dinala niya ako sa rooftop ng school namin, may mga rosas na nag korteng Puso at mga kandila sa paligid.
May Lamesa sa Gitna habang pinapatugtog ang kantang napaka familiar sa akin.

( Please Try To Play Byahe )

Akala ko, 'di mo kayang magmahal
Sa tulad kong 'di mo dating iniibig
Inalis ko na sa puso at isipan ko ang pag-ibig mo
'di ko akalain mahal mo rin ako

"Ang ganda!" Salitang nasabi ko .

unang pagkakataon ito sa buhay ko na may sumorpresa sakin ng ganito.

Pati ang ang kulay na ginamit sa paligid ay ang paborito kong kulay ang pink.

Marami ding mga naka disenyong kalapati mahilig kasi ako sa mga kalapati.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon