" Fea sumagot ka ng maaayos nag aalala na ako " Sabi niya."Trav meron kasi ako ngayon " sagot ko.
"Merong ano ?? Problema?? " Tanong niya ulit.
"Yung ano! Hayss pano ko ba to ipapaliwanag" sagot ko ulit.
"Fea kung may problema ka pwede naman nating pag uusapan wag yung kung ano ano iniisip mo diyan" pag aalala niyang sabi.
"Hindi naman kasi ganun yun Trav puntahan mo nalang ako please " sabi ko.
Mga ilang minuto lang dumating na si Travis sakay ng motor na bigay ng daddy niya sa kanya.
Agad ko siyang pinag buksan ng pinto.
" Ano ayos ka lang? Ano bang nangyari?" sunod sunod niya agad na tanong habang hawak hawak ang magkabila kung balikat.
" A-ano k-kasi " nauutal kong sabi.
" F-Fea?? Bakit may dugo yung Likod mo?? " Gulat niyang sabi.
" M-may saksak ka ba?? " Nag aalala niyang sabi.
" Wala! Msakit lang yung puson ko! Wala akong pain reliever kaya tinawagan kita."
Nakapikit kong paliwanag sa kanya Pagkatapos ay yumuko na ako nakakahiyang may tagos pala ako.
"Bat di mo sinabing Girl problem pala yan ? Ok ka lang? May lagnat ka ba ?? Nilalamig ka ba ?? O nahihilo ka, dalhin na kita sa hospital? " mga tanong niya sakin.
"O.A mo naman Trav eh , kailangan ko lang ng pain reliever " maluha-luha kong sagot dahil sa sobrang sakit.
"Ga-ganun ba!! Sandali at bibili muna ako" sabi niya sabay pagmamadali palabas sa kwarto ko.
Di nagtagal nakabalik na rin siya , kumuha nalang pala siya ng pain reliever sa bahay nila.
" Oh heto inumin mo na" sabay bigay sakin ng tubig at gamot ni Travis.
"Salamat" sabi ko.
" Masakit ba talaga yan?? " Tanong niya.
" Oo lalo na pag first day " Sabi ko.
" Pano pag wala kang nakakasama? " Tanong niya ulit.
" Si Mama madalas kong kasama! Nakakatulog ako pag hinahawakan niya ang tiyan ko. " Sabi ko.
Bigla naman akong nanigas ng biglang inilagay ni Travis ang kamay niya sa Tiyan ko.
" S-sorry " Naiilang niyang sabi sabay kuha ng kamay niya.
" I-i just want to help, mali pala " paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...