His POV

166 9 0
                                    

Travis Pov

Nakatitig ako kay Fea ngayon habang natutulog siya sa tabi ko. Napaka amo ng mukha niya. Di ko maiwasang mapangti dahil sa saya na bumalik na ang ala ala niya.

" Matutupad ba talaga ang nainanais mo pag pinagdasal mo?" Tanong ko.

" Oo naman! Basta samahan mo ito ng pagtitiwala. Tatlo kasi ang laging sagot ni GOD. Yes! No! At Wait, kaya dapat magdasal ka lang ng mag dasal dahil minsan gaano man katagal matutupad at matutupad pa rin ang hinihiling mo." Sagot niya.

Tama nga siya kahit gaano ka tagal matutupad ang hinihiling ko. Ngayon ay bumalik na ang mga ala ala niya. Yun lang naman ang pinagdadasal ko pero may mas natanggap pa akong magandang regalo. Minahal niya ako, Minahal ako ng babaeng nag iisang minahal ko. Napangiti ulit ako ng maalala ko lahat ng mga pinagdaanan ko noong hindi pa bumabalik ang ala ala ni Fea.

FLASHBACK

Umaga palang ay naiinis na ako, bakit ba kasama ni Alfea si Andrew ngayon? Ano bang meron sa kanila. Tapos kung makangiti siya kay Andrew parang ang close nila. Sa akin nga di siya ngumingiti. Tsk kainis. Ang sarap niyang hilahin papunta dito sa akin para malaman niyang ayaw kong nakikipag close siya sa iba. Alangan naman takutin ko si Andrew eh kaibigan ko ang lokong to.

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Sumigaw ako kaya natahimik sila at humingi ng pasensiya.

May nagpaliwanag sa akin na tinutulungan daw nila si Fea para sa composition contest na sasalihan niya.

Napalunok nalang ako, kung alam ko lang na para kay Fea yun hindi ako magagalit. Kung pwede nga lang tulungan ko rin siya.

Bumalik ang pagkulo ng dugo ko nung makita ko si Andrew at Fea, kung hindi ko lang kaibigan si Andrew malamang nahila ko na siya palabas at nabugbog. Bakit siya nakadikit kay Fea, tsk. Kainis talaga.

" Wag na kayong umasang mananalo pa tayo sana ginalingan ni Andrew sa pag pili, di sa kung sino sino lang niya binigay! to someone who don't deserve it!" Sarcastic na sabi ko.

" Are you sure na mananalo siya? don't expect too much guise!! " Dagdag ko pang sabi.

Oh Sure! Mananalo si Fea. Naniniwala ako dahil bata palang kami magaling na composer na siya.

Napatingin ako kay Fea namumula ang mga mata niya. Takte ano ba kasing mga sinabi ko.

Aalis na sana ako ng tinawag niya ako "Mr. Travis Lawrence Lee" napahinto ako sa paglalakad. Napalunok ako dahil ramdam ko sa boses niyang nasaktan ko siya.

"What Lewisa Alfea Fate Bagus??" diin kong tanong sa kanya habang todo tingin. Gusto kong malaman niya sa tingin ko na hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko.

"Alam ko namang hindi ako ganun ka galing pero wag mo naman akong maliitin " naluluha niyang sabi.

Damn. Napaiyak ko na naman siya!!

"Hindi naman kita minamaliit Ms. Bagus. Ang sinasabi ko lang ay di gawain ng isang bise presidente na mamuno ng kaingayan sa klase" Sagot ko sa kanya.

Hindi na ako makapag isip ng sasabihin dahil ang nasa isip ko ngayon ay gusto kong punasan ang mga luha niya.

"Trav ok lang naman siguro nagkakatuwaan lang naman sila " sabi ni Andrew habang hinahawakan ako sa balikat.

"Yes! Thats right Andrew walang mali sa ginagawa namin, We're just singing and having fun, if you don't want to see us laughing then get out of here! walang pumipigil sayo" sabay bato ng lalagyan ng bottled water sa akin.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon