FATE POV
Nandito na kami sa bahay, tulog na sila mama hindi parin ako makatulog, siguro dahil sa mga nangyari ngayon sa ilang taon ko sa Xiao Min University ngayon lang nangyari sakin ang ganun.
Napapatanong nalang din ako kung anong dahilan ng mga babaeng yun kung bakit nila ginawa sakin yun.
Wala naman akong naalalang may nagawan ako ng kasalanan sa school, saka ano bang ibig sabihin ng sinabi ng isa sa kanila na pakunwari enosente pero malandi naman, kanino ba ako nakikipaglandian? Malandi ba talaga ako? Baka may nagawa akong nakasakit sa kanila. Ipapasa Dios ko nalang ang lahat.
Tumawag naman sakin sina Kath at Ziah pati na rin si kaden
Nangungumusta sa nangyari sakin kanina.Halata sa kanila ang matinding pag aalala pero sinabihan ko silang ayos na ako.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit sa katawan ko lalo na sa mukha ko at ang sugat sa labi ko.
Ayaw kong mag isip ng kung ano ano kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong makatulog.Pagkaumagahan, matagal akong lumabas ng kwarto ko nag isip pa kasi ako kung paano ko itatago ang mga pasa ko lalo na sa mukha .
Nag jacket ako ngayon at sinuot ko ang pinaka mahaba kong medyas. Nag lagay nalang din ako ng poundation sa mukha ko ng di masyadong mahalata ang pasa.
Pagkalabas ko nasa lamesa na silang lahat kumakain, maaga din kasi si daddy ngayon dahil pupunta siya sa Hongkong for business matter.
"Lewisa kumain ka na dito ! Bilisan mo na at malilate na kayo ng kuya Ryan mo" tawag ni mommy.
"Goodmorning maganda kong anak" bati ni daddy sakin.
"Goodmorning dad " sagot ko, habang hinahalikan ko sila ni mommy sa pisngi.
"Oh anak anong nangyari sa labi mo? " nag aalalang tanong ni mommy
"Po ma? Ah--eh kasi...."
"Natamaan po ng bola ng basketball nagpupumilit mag laro kahapon kaya ayon na tamaan ang labi niya " sagot ni kuya kay mommy.
Alam kasi ni kuya na di ko kayang mag sinungaling kaya siya nalang ang gumawa ng paraan para di malaman nina mommy ang nangyari.
"Next time be careful baby ! Ayaw ni mommy na nasasaktan ka" sabi ni mommy Faye.
"Tapos na akong kumain! Tsaka mommy wag mo na ngang tawaging baby si Fate Matanda na yan" sabi naman ni kuya.
"Tssss.... nag seselos ka lang kuya eh " sagot ko.
" Di no! Bilisan mo na dyan engot malilate na tayo " Sabi niya habang palabas na sa pintuan.
Madaya talaga siya eh, lagi nalang niya akong pinamamadali sa tuwing papasok kami.
Habang nasa sasakyan kami hinahawak hawakan ko ang sugat sa labi ko.
"Kailan pa kayo naging magkaibigan nina Mark?" Seryosong Tanong ni kuya.
" Ah--eh ngayong nag 4rth year lang kuya " sagot ko.
"Pero ganun ka na ka close sa kanila! " sabi ulit ni kuya Ryan.
"Ah kasi mabait naman sila kuya! Mabait ang mga kaibigan mo" sagot ko ulit.
"Stay away from them! " seryoso ng sabi.
" Huh!? Bakit naman kuya? Nagbibiro ka ba?" Tanong ko, ng may konting ngiti.
" just listen to me! Layuan mo sila, mapapahamak ka lang pag napalapit ka sa kanila."
" Is there any Problem?" Tanong ko. Pero di niya sinagot.
" pero kuya-- " di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita na naman siya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...