"Trav ihahatid ko si Fate" sabi ni andrew.
Sa tono ng boses niya ramdam kong pinipigilan niya lang ang galit niya.
"Ako na ! Ako ang maghahatid kay Fea" diin ni Travis.
Habang hinihila ako ni Travis ay hinihila naman ni Andrew ang kabila kong kamay.
"Guise anong nangyayari dito? Guise nasasaktan na ako" sabi ko sa kanila dahil sa higpit ng pagkakahawak nilang dalawa sakin.
Agad naman akong kinuha ni Gray mula sa dalawa
At itinabi sa kanila ni Mark." Guise bat ba kayo nagkakainitan? Dinadamay niyo pa si Fate " tanong ni Gray.
"Mali naman kasi ang ginawa mo kanina Andrew, kilala mo naman yung babaeng yun kanina diba? Alam mo kung anong kaya niyang gawin? Lalo na kay Fate" seryosong sabi ni Mark.
Lalo tuloy akong naguguluhan, ano bang mangyayari sakin? At saka sino ba yung babaeng yun?
" Bat naman mapapahamak si Fate sa babaeng yun? " tanong ni Gray.
Pati pala siya walang kaalam alam sa nangyayari dito ngayon.
"Oo alam ko, dapat hindi ko nalang ginawa yun kanina! Pero kaya ko namang ipagtanggol si Fate" sabi ni Andrew.
Ipagtanggol saan?? hayss! ano bang nangyayari dito gulong gulo na talaga ako habang nakikinig sa kanila.
Kita ko naman si Travis na seryosong naka sandal sa harap ng kotse niya."Drew alam mo naman diba kung anong kaya nilang gawin"
Sagot ni Mark kay Andrew." Ibig sabihin yung babaeng yun ay kabilang sa--- " napahinto si Gray sa sasabihin niya at napatingin sa amin?
"Ok guise, sorry nagkamali ako sa nagawa ko kanina." Sabi ni Andrew.
" Kaya din naman natin harapin ang mga yun" Sabi ni Gray.
" Tama na yan, mag usap nalang tayo sa susunod, gabi na rin baka nag aalala na sila tito David kay Fea, ako ng maghahatid sa kanya dont worry magiging safe siya sakin." Pagpuputol ni Travis sa usapan.
Sumang ayon naman ang tatlo
habang papauwi kami ni Travis tahimik lang siya, gusto ko sanang itanong sa kanya kung ano ba yung pinagtatalunan nila kanina pero parang ayaw niya atang pag usapan namin yun.Pagkahinto ng sasakyan niya sa bahay nagpaalam na ako.
"Ahmm... Trav salamat sa paghatid mag iingat ka sa pag uwi" sabi ko.
" Pumasok ka muna, saka ko papaandarin tung sasakyan " sagot niya sakin sa seryosong mukha.
Pumasok nalang din ako, pagsara ko ng gate kumaway ako sa kanya pinaandar na rin niya ang kotse.
Pagpasok ko sa loob ng bahay umupo muna ako sa my couch,
nagtaka ako bakit may dalawang maleta sa sala.Mag tatanong sana ako kay Nanay Tising ng may bigla nagsalita sa likuran ko.
"Hoy!! Engot kumusta na?" Sa pagkagulat ko na ihagis ko sa kanya ang unan na katabi ko.
" Is this how you welcome me?? engot ka talaga! " Sabi niya sakin habang hawak hawak niya yung unan na inihagis ko sa kanya at naka kunot ang noo niya.
"Waaahhh!!! Mommy !! Bakit ba siya nandito??" Tanong ko kay mommy habang nagtatago ako sa likuran niya.
"Alfea! Bakit? Dapat maging happy ka na nandito na itong older brother mo " sabi ni mama.
" Correction ma, Gwapong Older Brother " sabi ni kuya.
"Grabe ka sakin engot ha! Di na ba ako welcome dito? " tanong ni kuya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...