Hurtful

185 14 0
                                    

Hinila ako ni kuya Ryan hanggang makalabas kami sa Gymnasium nandito kami ngayon sa harap ng kotse niya.

" Diba sinabihan na kita na lumayo ka sa kanila " galit niyang sabi sakin.

" Pero kuya--"

"Diba sabi ko wala ng pero pero gusto mo na naman bang mapahamak? " sigaw niyang sabi.

Naiiyak na ako, ayaw ko kasing nagkakaganito kami ni kuya nagtatalo.

" why can't you just listen to me Lewisa! Para sayo naman to eh, ayaw ko lang naman na mapahamak ka" pinilit niyang pakalmahin ang boses niya habang sinasabi yun.

" Kuya! Wala naman kasing kasalanan sina Gray sa nangyari sakin eh, napaka unfair naman nun kung lalayuan ko sila ng walang dahilan?"

"Lewisa, you don't know anything" nagsisimula na namang tumaas ang tono ng boses niya.

" Lagi naman kuya eh! Kesyo wala akong alam kesyo hindi ko pa kaya, ganun naman lagi linya mo eh! " mahinahon kong sabi.

" What? Nasasakal ka na?? Huh Lewisa? Since we're kids I just always want the best for you! Alam mo yun " sabi niya.

" Kuya ang sinasabi ko lang naman hindi na ako bata! " malungkot kong sabi.

" Then what now kung hindi ka na bata? Hindi ibig sabihin nun kaya mo na ang sarili mo! Ang dali mong magtiwala sa ibang tao Lewisa, kahit nasasaktan ka nila ang bait bait mo pa rin, tapos gusto mo hayaan lang kita! Kuya mo ako tandaan mo yan " Diin niyang sabi.

" Ano ba kasi yung hindi ko alam kuya! " sabi ko sa malakas na boses habang hindi ko na nipigilan ang pagpatak ng luha ko.

" You wouldn't understand it kahit pa sabihin ko sayo " sagot niya.

" Kuya kung hindi ko maintindihan,eh di ipa intindi mo ng malaman ko at maintindihan ko ! Sabihin mo sakin, bakit? " sagot ko sa kanya, lumalakas na din ang boses ko pero maluha luha na yung Mga mata ko.

"Lewisa hindi kasi yun ganun kadali eh! Sana nga pwede kong sabihing manatili ka nalang sa mundo mo, pero unti unti mo ng pinapasok ang totoong mundo, Lewisa tumingin ka sa paligid mo madami ng nagagalit sayo dahil sa pakikipagkaibigan mo sa kanila! yung mga babaeng nanakit sayo alam ko kabilang sila sa mga nagagalit sayo " seryosong sabi ni kuya.

" Kuya wala naman kasing ganun, mababait naman lahat ng nandito sa school natin" sagot ko.

"Takte naman Lewisa oh! Wake up! Hindi lahat katulad mo , maraming halang ang bituka dito sa school natin, hindi lahat takot sa Dios na sinasamba mo, Lewisa iba ka sa kanila kaya nga hanggang ngayon sina Kath at Ziah lang ang kaibigan mo dahil hindi ka maiitindihan ng iba" galit na sabi ulit ni kuya Ryan.

" Wala akong pakialam kung iba ako sa kanila ! Kuya kaibigan ko sila kaya di ko sila lalayuan" sagot ko, galit na ata ako kaya di ko mapagilang umiyak ayaw kong magalit ayaw kong may galit ang puso ko.

" Can't you just listen to me Lewisa! Ayaw ko lang dumating sa puntong lumala pa ang mga gagawin nila sayo! Dahil patawarin nalang ako ng Dios sa magagawa ko sa kanila pag may nangyaring masama sayo." Sabi niya.

" Alam mo na sa mundong to may mababait at masasama, ka akibat nito na dapat mong tanggapin na mas marami ang masama kesa sa mabubuti. " Dagdag niya.

" Mas naniniwala pa rin akong mas maraming mabubuting tao! Wag tayong basta basta kung humusga! Dahil lahat tayo hindi perpekto." Sagot ko.

" Sorry kuya! Pero di ko sila lalayuan." Diin kong sabi.

" Ano hindi kana makikinig sa akin??" galit at sigaw niyang sabi.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon