Simula nung dumating kami dito sa bahay kahapon ay natulog lang ako. Medyo masakit kasi ang katawan ko sa byahe.
" Engot gumising ka na nga! Buong araw ka na ngang natulog kahapon" sabi ni kuya sabay hila ng kumot ko.
"Kuya naman eh!" Reklamo ko.
" Gising na! Buhusan kita ng malamig na tubig dyan eh" sagot niya.
Napaupo nalang aking habang naka pout.
Ang sweet nito nung birthday ko ngayon badboy na ulit.
Kahit tinatamad pa ako ay naligo na ako at kumain kasama sina Daddy, Mommy at Kuya, nandito din sina Sochan at mga kapatid niya naglalaro sa sala at nag video games.
Pag akyat ko nakita ko si Nanay tising na naglilinis at nag aayos ng gamit ko.
" Nanay ako nalang po maglilinis dito! Sabado naman kaya wala akong magawa" sabi ko.
Pag alis ni Nanay Tising sinimulan ko ng ayusin ang kwarto ko. Tinanggal ko ang mga kurtina at pinalitan ito ng bago.
" Lewisa, eto na yung mga pictures nung debut mo ilagay mo na dito sa Album" sabi ni mommy.
" Sige po ma, " Sabi saka kinuha ang pictures and album na hawak niya.
Napangiti ako habang tinitingnan ang mga pictures namin. Mga pictures ko kasama sina mommy, mga pinsan ko, si lola at ang mga Bestfriends ko.
Nilagay ko ito sa iisang album. Lagi kasing gawain ni mommy na tuwing birthdays namin ay nilalagay namin lahat ng pictures sa iisang Album. Ito na ang ika 18 Album ko.
" Unnie! Ang dami mo namang album" sabi ni Angel na papasok palang sa kwarto ko kasama si alisha.
" Every Birthday ko kasi may Album" sabi ko.
" Hmmm... dapat ganito din ginawa nina mommy sa amin" Sabi ni Alisha.
Habang pinupunasan ko isa isa ang mga album ko. Nalibang naman sila na tingnan ang mga pictures ko.
" Ang cute mo dito sa 7th Birthday mo unnie!" Sabi ni Angel.
" Cute naman talaga ako ah!" Nakangiti kong sagot.
" Teka unnie may pic ka nito sa akin!" Sabi ni Angel sabay pakita sa akin ng picture na kasama ko ang isang batang lalake.
" Talaga!" Sabi ko.
" Oo pinadala mo yun noon kay Elyza Unnie pinilit ko siyang ibigay sa akin kasi wala akong picture mo. Hanggang ngayon nga na sa akin pa." Sagot niya ulit.
" Di ko ata matandaan!" Sabi ko.
" Sandali kukunin ko nasa pocket ko yun eh! Wait lang unnie" Sabi niya sabay takbo palabas.
" Tingnan mo oh! Diba pareho saka may nakasulat pa nga sa likuran nito." Sabi ni Angel sabay upo sa tabi ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat sa likod.
Ren Ren & Fea
" R-Ren Ren?" Napatingin sila sa akin ng makitang gulat na gulat ako.
" B-Bakit Unnie? "
Napahawak ako sa puso ko, magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Simula nung malaman kong peke ang Ren Ren ang nagpakilala sa akin ay hindi ko na sinubukang hanapin siya dahil baka totoo si kuya na pakana lang yun ng isang tao.
Pero
Paano nangyaring ang batang kasama ko sa picture na to ay si Ren Ren.
" Unnie Ayos ka lang ba?" Tanong ni Alisha.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...