Fashion Show

180 14 0
                                    

Nahihiya talaga akong humindi kay tita Geniva ngayon pa naman ang una naming pagkikita.

Pero bago paman ako maka desisyon ay hinila na ako ng dalawa si Mark at Andrew .

"Hindi po kayo hihindian ng bestfriend kong ito tita iva " sabi ni Andrew

Tiningnan ko lang siya hindi lang basta tingin kundi panakot na tingin, ngiti naman ang sinagot ni Andrew sakin na parang nag sasabing peace .

"Tita sasamahan po muna namin si Bestfriend para nakapag handa siya" sabi naman Mark habang hinihila ako papalayo kila tita iva.

Nang nasa loob na kami ay agad akong inayosan ng baklang tinatawag nilang twinkle .

"Ayos ba bestfriend ?" Tanong ni Mark sabay kindat.

"Anong ayos ?? Bestfriend naman eh ! Alam niyo namang wala akong alam sa mga ganito" maiyak iyak kong sabi.

"Ikaw kasi Andrew tingnan mo naiiyak na tuloy si bestfriend " sabi ni Mark sabay batok kay Andrew.

"Aray ko naman! Eh kasi bestfriend i want you to experience it, tsaka kaya mo naman eh" pagpapaliwanag niya.

"Aishh... mapapahiya lang ako dun" sabi ko.

"Ija kaya mo ! Simple nga ang ganda mo pero nakakaakit naman saka kahit maglakad ka lang ayos na bagay naman kasi lahat sayo ang mga damit na to" Pakikisali ni twinkle sa usapan namin.

Habang inaayosan ako ay di naman nawala ang dalawa sa tabi ko full support daw sila sakin.
May ni research pa nga si Mark na video kung pano rumampa at mag fierce .

Nang nabihisan na ako mas lalo akong naging kabado isang gown pang kasal ang isinuot sa akin saka ko nalaman na Ang irarampang mga damit pala ngayon ay pangkasal.

Nang nabihisan na ako mas lalo akong naging kabado isang gown pang kasal ang isinuot sa akin saka ko nalaman na Ang irarampang mga damit pala ngayon ay pangkasal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bestfriend ang ganda mo ngayon galingan mo ha i chicheer ka namin" sabi ni Gray.

"Oo bestfriend samin ka lang tumingin, gagawan ka namin ng banner ngayon" sabi naman ni Mark.

Natawa tuloy ako sa sinabi niyang banner.

"Banner talaga? Para namang sasali ako sa Ms. universe " sabi ko habang tumatawa.

"Baliw" sabi nina Gray at Andrew sabay batok kay Mark.

"Aray biro lang nga eh! Pinapatawa ko lang si Bestfriend" sabi ni Mark.

"Aysus!! Palusot" sagot ni Andrew babatukan niya pa sana ulit si Mark kaso naka ilag ito.

"Drew! Nakakarami ka na" sabi ni Mark habang lumalayo kay Andrew

Kaya natawa na rin kaming lahat.

Mag sisimula na ang Fashion show ni tita Geniva, sinabihan na kami ni twinkle na mag handa sa pag rampa .

Pang pito ako sa sampung model ang tatangkad nila ang gaganda ng kutis at ang gaganda ng mga buhok mas lalo tuloy akong kinabahan, pakiramdam ko para lang akong pambarang na manika na nakikisali sa mga Barbie .

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon