Truth Or Dare

162 10 0
                                    

Pagkatapos ng Birthday celebration ko ay nanatiling nasa stage ang mga kaibigan at pinsan ko. Masaya din ako at nakikipag kaibigan ang mga kaibigan ko sa mga pinsan kong galing canada. Nagkakantahan sila at taga gitara naman nila si Travis at Andrew.

Nagpaalam na din ang ibang mga bisita, yung iba naman dito matutulog. Masaya din akong makita sina Tita Tina at Tito James, nandito din yung mga parents ng iba ko pang mga kaibigan.

Nagpaalam muna ako sa kanila Kath na masayang nag aawitan, gusto kong puntahan ang lola ko.

Malayo palang ako pero ang lapad na ng ngiti niya sa akin.

Agad ko siyang niyakap hindi ko na rin mapigilan ang umiyak. Kamakailan lang ng inatake siya ng sakit niya kaya hindi ko na inexpect na pupunta pa siya sa debut ko.

" Lola Peli salamat sa pagpunta i miss you" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

" Stop crying! I miss you too" Nakangiti niyang sabi.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya ng napakahigpit.

Kitang kita sa kutis at mukha ni lola Peli ang pagiging chineses niya. Sa kanya ko minana ang pagtawa na nawawala ang mga mata ko.

70 na si Lola kaya sobrang alaga kami sa kanya. Ayaw sana nina Mommy na pumunta pa siya dito dahil mahina ang resistensiya niya.

" Apo pumunta ka na sa mga kaibigan mo!" Sabi niya.

"Mamaya na Lola papakainin muna kita" sabi ko.

Kumuha ako ng mga masustansiyang pagkain nanatili ako sa tabi ni lola at sinusubuan siya.

Pagkatapos kong pakainin si lola, sinamahan ko na siya sa kwarto niya. Saka ko siya iniwan sa personal nurse na kasama niya.

Pumunta na din ako ng kwarto saka nag patulong kay Ate Amy na tanggalin ang gown ko. Agad kong tinanggal ang 5 inch na high heels ko kanina pa kasi sumasakit ang paa ko. Nagbihis ako ng dress na kulay white.

Paglabas ko ay nakita ko si Kaden na nasa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paglabas ko ay nakita ko si Kaden na nasa labas.

" Bestfriend anong ginagawa mo dito?"

" Bestfriend Fate gusto ka sanang makausap ni Kuya Felix" sagot niya.

Hindi ako nakasagot at tiningnan siya.

" Babalik na siya sa U.S bukas doon na siya titira at...... hindi niya alam kong babalik pa ba siya dito. Bestfriend Please pagbigyan mo sana si Kuya" sabi ni Kaden habang hinahawakan ang kamay ko kaya tumango nalang din ako.

Hinatid ako ni Kaden sa entrance ng resort namin. Nakita ko si Felix na nakaupo sa harap ng kotse niya. Ngumiti at tumango si Kaden saka niya ako iniwan.

" Akala ko di kana darating" sabi niya.

" Gusto ko rin na makapag usap tayo ng maayos bago ka umalis" sagot ko.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon