Thank You Offering

147 12 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na pumasok sa bintana na nasa tabi ko. Tiningnan ko ang pintuan na nilagyan ko ng harang kagabi nakabukas na ito. Tumingin ako sa tabing higaan at nakita ko sina Kath, kaden at Ate love sa iisang higaan. Nasa iisang higaan din sina Ziah, Elyza at Gail, nakarating na pala sila hindi ko na namalayan.

Dahan dahan akong tumayo mula sa higaan ko ng di magising sina Mia at Tricia na katabi ko sa pagtulog.

Kita ko sa gilid ng higaan ko ang isang maliit na maleta, di ko mapigilan na ngumiti alam kong sakin to, hindi talaga nakalimutan ni kuya na dalhan ako ng mga gamit.

Bumaba ako dahil sa na uuhaw na rin ako, nakita kong may mga lalaking natutulog sa may sofa kaya dahan dahan akong bumaba.

Naghilamos at nag sipilyo na rin ako, Pagkatapos kong uminom.

" Good morning po ma'am, " bati sa akin ng isang matandang lalaki.

" Wag kayong magugulat ma'am, hindi ako magnanakaw ako ang tagabantay at taga pamahala ng malaking bahay at lupa na to" dagdag niyang sabi.

" Magandang umaga din po mang? "

" Erning ma'am " sagot niya sa akin

" Wag niyo na po akong i ma'am manong Erning, Fate nalang po" sabi ko.

" Sige kung yan ang gusto mo Ija" nakangiti niyang sabi.

" May inihatid lang akong gulay at groceries na pinabili ni Sir Travis." Sabi niya ulit.

Sabay lapag ng mga dala niya,

" Ang dami naman po nyan manong" sabi ko,

" Ala eh madami din kasi kayo kaya ganoon" sagot niya.

" Pano ija, maiwan muna kita at mag sisimula muna akong magluto." Dagdag niyang sabi.

" Ano po bang lulutuin niyo manong?" Tanong ko sa kanya.

" Madalas ay korean Food ang niluluto ko para kay sir Travis," sagot niya.

" Korean Food? Ah manong pwede po bang ako nalang ang magluto ng korean food? Mag papaturo sana ako sa inyo" sabi ko.

" Aba eh sige ija, kung gusto mo " sabi niya naman.

" Salamat manong" Nakangiti kong sagot.

Tinulungan kong mag handa ng mga lulutuin si manong Erning.

Marami din kaming napag usapang dalawa, mahigit dalawampung pitong taon na rin pala siyang care taker malaking bahay na to!

" Pag-aari talaga nina Ma'am Tina at Sir James ang lupa at bahay na ito, pero ginawa itong tambayan nina Sir Travis at ng mga kaibigan niya hanggang sa hiniling nilang bilhin ito" sabi ni manong.

" Ang tagal niyo na po palang naninilbihan sa mga Lee manong Erning" sabi ko.

" Abay! Nagsimula pa ako sa Mansion nina Sir James noon, nung buhay pa ang tatay niya. Kaso noong namatay ay nagkaroon sila mga di pagkakaintindihan. Ibinilin naman sa akin ng ama niya si Sir James kaya sa kanya ako sumama." Kwento niya sa akin.

" Marami na po siguro kayong alam tungkol sa pamilya nila manong" sabi ko ulit.

" Oo naman ija! Mabait na tao ang tatay ni Travis, minana naman din ito ng dalawang anak niya. Dito na nila ako pinatira para di raw masyadong mahirap ang trabaho ko, saka lang kasi ako nagiging abala pag dumadayo sina sir Travis dito." Mahabang sagot niya ulit sa akin.

Hindi kami na walan nang pag uusapan ni manong Erning habang nagluluto. Pinaupo ko lang siya at ako na ang gumawa, nakikinig lang ako sa kung ano dapat kung unahin na ilagay sa mga niluluto ko.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon