Move on

149 12 0
                                    


Simula nung naka uwi ako kanina ay nagkulong na ako sa kwarto. Kakagising ko lang at gusto ko na mamang matulog.

Hindi dahil pagod ako gusto lang talagang makalimot.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Felix ay naiwan akong mag isa sa harap ng karinderya habang walang tigil pa rin sa pag iyak.

Buti nalang at dumating si Benjie, siya ang naghatid sa akin dito.

" Lewisa Sochan, kumain ka na! Nag aalala na ako sayo." Tawag ni Elyza sochan habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

" Sochan kanina pa ako pabalik balik dito pag ito talaga di mo pa binuksan tatawagan ko si Ryan at sina Tita"

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Ayaw kong dumagdag sa problema nina mommy. Lalo namang ayaw kong malaman ni Kuya baka maging basagulero na naman yun.

Agad kong pinag buksan si sochan. Kita ko ang dala niyang tray ng pagkain, naglakad na ako pabalik sa kama ko at umupo.

Inilapag ni Sochan ang tray sa mesang malapit sa higaan ko. Tiningnan niya ako saka siya huminga ng malalim.

" Tingnan mo sobrang namamaga yang mga mata mo. Pag nakita talaga kami ng Felix na yan bubugbugin ko talaga yan. Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala wala akong tiwala sa mokong na yun." Gigil na sabi ni Sochan.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang siya ay walang tigil kaka salita kung gaano siya ka galit kay Felix.

Natahimik siya ng mapansin niyang tahimik lang ako saka niya ako nilapitan.
Kanina ko pa pinipigilan na di umiyak pero heto na naman ako humihikbi.

Niyakap ako no sochan saka niya ako pinapatahan. Ayaw ko na ring magdrama kaya agad kong itinigil ang pag iyak.

Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.

" Buti naman at hindi ka nilalagnat. Kumain ka na" sabi niya sabay lapag ng tray sa harap ko.

Wala man akong gana ay pinilit kong kumain
Sa harapan niya. Ayaw ko maging problema pa ako ni sochan.

" Sorry in advance wala talaga akong talent sa pagluto pero sobra ang effort ko dyan sochan" sabi niya.

" Don't yah worry ngayon uuwi si nanay Tising from canada kaya may magluluto na sa atin" dagdag niyang sabi.

" Hindi mo ba pupuntahan si Travis? " napalingon ako dahil sa tanong niya.

" B-bakit??" Tanong ko.

" Nagkita kami ni Benjie kanina. Sabi niya sa akin may lagnat daw si Travis ngayon" sagot niya.

Nabitawan ko ang kutsarang hawak at dali daling kumuha ng maayos na damit sa cabinet ko.

" Malala ba! Bakit daw?" Tanong ko habang isinusuot ang idang dress na haggang tuhod ko. Komportable akong suotin ito.

" Dahil siguro sa pag papaulan niyong dalawa" sagot niya.

Inayos ko ang buhok ko saka humarap sa kanya. Naka kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

" Pwede mo ba akong ihatid sa kanila? " tumango lang siya sa tanong ko.

Kotse ni dad ang pina maneho ko sa kanya. Mabilis magmaneho si sochan lalo na pag motor.

Sampung minuto lang nakarating na kami. Agad namang bumalik si sochan sa bahay kaya na iwab ako sa harap ng gate nina Travis.

" Miss Fate! " tawag ni ate Joy sa akin.

" Magandang hapon nandyan ba si Travis?"

" Ah opo Ms. Fate nandito siya, tuloy po kayo" sabi niya sabay bukas ng gate.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon